“Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”
February na naman! Hello sa mga may jowa, kunware may jowa, nangangarap magkajowa, at syempre sa mga nawalan ng jowa, mawawalan ng jowa at higit sa lahat.. Yung walang jowa! π
(the term** haha!)
€€LOVE IS BLIND€€
Madalas kong marinig, makita ang mga katagang ito. Bulag nga ba ang Pag-ibig? Yung tipong nagkaroon na ng union ang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo, kulang na lang isali ng nanay mo si Kapitan Tiyago sa samahan nila para lang ipamukha sayo na hindi siya karapatdapat para sayo. Kasi daw oso sya. (Bakit, cute naman yung oso ah?) Pero hindi kasi yun. Kahit anong sabihin nila, alam kong ang bawat isa ay may kanya kanyang sagot sa katanungang “BAKIT SIYA?”. At walang taong pwedeng magdikta kung sino ang bibigyan mo ng matamis na Oo or kung sinong liligawan/mamahalin mo.
€€LOVE IS DEAF€€
Bingi raw ang Pag-ibig. Kasi kahit anong sigaw mo, minsan hindi ka marinig. Hindi ka na niya naririnig..
“Punta ko ng Wonderland.”
“Ingat ka.”
“Ano?! The line is breaking. I’m with girls. Ano ulit?!”
“T*ngina! Mahal kita!”
—
“Mahal din kita.”
“Ano?! I’m with someone. Low batt na ko. Bye! ”
€€LOVE IS MUTE.€€
Yung tipong gusto mong ipagsigawang importante ‘tong tao sayo. Taong may espesyal na space. Pero nautot ka nalang sa katatago ng feelings mo. Kasi nga, Love is Mute. So kapag nagsama si Love is Deaf at Love is Mute.. Wala na. Wala ng pag-asa. (Ooops! Meron pa! Huwag kang bitter. Haha Habang nabubuhay, may pag-asa. π )
€€LOVE IS NUMB.€€
Ayan naaa. Manhid ka. MANHID KA!!! Hahahaha blog ko ‘to. :p
Sa lahat ng may minamahal, na kulang nalang gumulong ka ng isang daang beses sa harapan niya, kulang nalang ibigay mo yung Jupiter sa kanya, kulang na lang ibigay mo na yung ngipin mo para punan ang ngiti niya, kulang nalang.. kulang. T*ngina! Parang kulang pa rin. Hindi ka pa rin niya maramdaman. Ang tanong, MAHAL KA BA NIYA?
Tandaan. Sabi nga nila..
I LOVE YOU is not a question. It’s a statement. And it’s not meant to be answered.
Maybe it’s just meant to be felt.
BLIND. DEAF. MUTE. NUMB.
Maglilipana na naman ang kakornihan ng buong sanlibutan sa darating na Valentine’s Day. Pero kahit anong gawin mo, kahit anong pigil mo.. Ang araw na ito ay dadaan sa kalendaryo para ipaalala ang nakasanayang kahulugan ng araw na ito, Araw ng mga Puso. Puso na sumisimbolo sa Pag-ibig.
Isang salitang nagbibigay kulay sa buhay ng mga tao. Isang bagay na nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay may pagkukulang. Na tayo ay may nakalaang espasyo para masabi nating, may mga bagay na hindi natin nakikita.. Sigaw na hindi naririnig.. Mga salitang hindi masabi.. At mga bagay na hindi natin maramdaman.
Pero hindi ibig sabihin nito na tayo ay punong puno ng pagkukulang. Isa lamang itong patunay na ang Pag-ibig ang pinakamagandang bagay sa mundo na pinagsasaluhan ng dalawang taong pawang may kapansanan ngunit hinding hindi ito magiging isang hadlang..
Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”
-HAPPY VALENTIMES DAY! Haha Ay Valentine’s pala. π β€ β€ β€ Ang araw na 'to ay para sa lahat. Para sa lahat ng taong may puso at nagmamahal. β€
Corny. Haha
(SHOUT OUT nga pala sa kaibigan kong magbibirthday ngayong February 14! Huwag ka nang magtampo sa akin. Huhu Love pa rin kita kahit binubully mo ko. Kasi, may kapansanan ako. At isa ka sa pumupuno nun. π Hello sa inaanak kong pogi!)
€€€Syeettt! Paano nga ba ulit magmahal? π π π β€ …€€€