“Ang Pag-ibig raw ay ang pagbibigay ng karapatan at kalayaan na saktan ka, pero tiwala kang hinding hindi niya sa’yo magagawa.”

 

 

31944762_1911661182406370_7063912469550333952_n

|MindCore|Source

 

 

Isa pa ring palaisipan sa isip kong magulo

Kung paano at bakit ako sumagot ng Oo

Kung paano at bakit hinayaang hawakan ang mga kamay ko

Isang palaisipang hahayaang sagutin ng panahon

Mga tanong at sagot na hinatid ng mga pagkakataon

Ikaw na taludtod ng aking mga tula

Hindi matatawaran ang paghintay ng labis at pagtugon sa mga tala

 

Naaalala mo pa ba?

Ang paghawak sa kamay dahil takot sa pagtawid ang aking mga paa

Na hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gustong makasama

Sa bawat pagbagtas ng mga puting linya, kahit ito’y kumupas pa

At sa pagsindi ng pulang ilaw, ay hudyat ng mahigpit na hawak sa kamay na lubos na  nagtitiwala

 

Naaalala mo pa ba?

Ang malaking bilog na tila puno ng hagdan

Na kapag umikot, unti unti kang ilalapit sa kalangitan

Ako’y isang batang natupad ang munting hiling

Pero sa isipan ko’y, iyon ay gumitling

 

Naaalala mo pa ba?

Nang kamay ko’y hawakan, sa isang tahimik na hardin

At ang mga mata mong nagtatanong sa dilim

Kung ano, paano at saan patutungo

At ngiti lamang ang siyang naisagot

Katumbas ng isang Oo at ang patuloy na paghawak sa kamay

Patawid sa mga linyang samo’t sari ang taglay

 

Kaya huwag magtanong, mag-isip at mabigla

Kung bakit binabagtas ng mag-isa ang kahabaan ng Evangelista

Yun ay para simpleng ipaalala sa’yo

Ang ngiting isinagot na ang ibig sabihin ay Mahal Kita.

 

 

P.S.

Ang T-shirt mo po. Huwag kalimutan.

 

|9.8 m/s2|Vincent|

|Madami|

|Sobra|

 

Advertisements

Helianthus: 9.81 m/s2

“You’re my answers to my shooting stars…”

IMG_20180212_064358_1

 

|You’re my unknown across the dawn|

|And a lingering scent through the wind |

|Then you’ve become my everyday|

|Like a warm sunshine, who touches my face|

|Your voice is an Ivy that whispers|

|Such an undying song I would remember|

|Then you’ve become my fortress and my Luna at night|

|Such a scribbled thought I tried to define|

|You might have been my unknown from afar|

|But I’m sure you‘re the answers to my shooting stars|

 

 

|9.81 m/s2|V|

 

 

Kailan?

Kailan titila ang pagbuhos ng ulan
Na akala mo’y wala ng mapaglagyan

Kailan mahahawi ang kalangitan
Para dumungaw ang araw, at ngiti’y muling masilayan

Kailan guguhit ang pitong tulay ng kalangitan
Na siyang kukulay sa magulong kaisipan

Kailan, kailan..
Kailan muling guguhit
Ang mga ngiting hindi umiimik

Kailan, kailan..
Kailan titila ang malakas na pagbuhos
Ang pusong nadurog na ng lubos

Kailan, kailan..
Kailan masasagot ang mga katanungan
Mga bagay na pilit pinahahalagahan
Unti unti nang nabubura ng tubig ulan

Tama na, pagod na pagod na
Wala ka bang balak magpahinga?

Kailan, kailan
Kailan titila ang napakalakas na ulan
Para muling umukit ng bahaghari na animo’y walang katapusan

(Yung body clock ko po ay wala na sa matinong kalagayan..parang yung isip kong lumilipad patungo sa nakaraan at pilit gumigising para sa kasalukuyan.. At para paghandaan ang kinabukusan.)

The verge of being a Wanderlust in 13 to 50 different ways.

“As you wander and you are lost, you can’t help but to see a stranger in 13 to 50 different ways.”

It became a crucial thought to me about being lost as I travelled to my aunt’s house yesterday. (I arrived safe, if that’s your question.)

I realized a lot of things more than how I have been thinking about time.

First, as you wander and you are lost, you can’t help but to see a stranger in 13 to 50 different ways. You have to learn how to see through them. Learn how to trust even if you’re at the verge of nowhere.

Second, time never gets old. People do. So if you want to wander, it’s now or never.

This is a hard punch on my face. I have lived a life full of grid. And I’ve always thought it was okay. I suffered hesitations for 15 years. I realized maybe it’s about time to put a hedgehog on top of my head and dance like a baboon.

Third, I learned deeper than mantle of the earth, that family and friends are the best creations you could have. Savor it. Live with it. Laugh with it. Love it.

I have fought Aneurysm for a decade and a half now. It’s never been easy since I gained it young, I had to force myself to think like an adult. To know this and that. And if I tell you right now everything I have realized yesterday, you could tell how crazy my brain cells work. Because it’s just crazy.

But one thing I would like to have now for sure, I don’t give a damn how long I could conquer the challenge of Vascular Aneurysm. But I would like to pray deeply, that He would give me enough time to say thank you to every single person who prolonged my existence. To people who always give me reasons to go on. To people who don’t just make me feel gay, but define what really happiness is. To people whom I could trust when right paths are nowhere to be found. To people who love me in 13 to 50 different ways. ❤ ❤ ❤

Thank you! 🙂

Kwentong Pag-ibig: Love is blind, deaf, mute, numb, colorful, great… Lahat na, P*%@&?!@!!!

“Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

February na naman! Hello sa mga may jowa, kunware may jowa, nangangarap magkajowa, at syempre sa mga nawalan ng jowa, mawawalan ng jowa at higit sa lahat.. Yung walang jowa! 🙂

(the term** haha!)

¤¤LOVE IS BLIND¤¤

Madalas kong marinig, makita ang mga katagang ito. Bulag nga ba ang Pag-ibig? Yung tipong nagkaroon na ng union ang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo, kulang na lang isali ng nanay mo si Kapitan Tiyago sa samahan nila para lang ipamukha sayo na hindi siya karapatdapat para sayo. Kasi daw oso sya. (Bakit, cute naman yung oso ah?) Pero hindi kasi yun. Kahit anong sabihin nila, alam kong ang bawat isa ay may kanya kanyang sagot sa katanungang “BAKIT SIYA?”. At walang taong pwedeng magdikta kung sino ang bibigyan mo ng matamis na Oo or kung sinong liligawan/mamahalin mo.

¤¤LOVE IS DEAF¤¤

Bingi raw ang Pag-ibig. Kasi kahit anong sigaw mo, minsan hindi ka marinig. Hindi ka na niya naririnig..

“Punta ko ng Wonderland.”

“Ingat ka.”

“Ano?! The line is breaking. I’m with girls. Ano ulit?!”

“T*ngina! Mahal kita!”

“Mahal din kita.”

“Ano?! I’m with someone. Low batt na ko. Bye! ”

¤¤LOVE IS MUTE.¤¤

Yung tipong gusto mong ipagsigawang importante ‘tong tao sayo. Taong may espesyal na space. Pero nautot ka nalang sa katatago ng feelings mo. Kasi nga, Love is Mute. So kapag nagsama si Love is Deaf at Love is Mute.. Wala na. Wala ng pag-asa. (Ooops! Meron pa! Huwag kang bitter. Haha Habang nabubuhay, may pag-asa. 🙂 )

¤¤LOVE IS NUMB.¤¤

Ayan naaa. Manhid ka. MANHID KA!!! Hahahaha blog ko ‘to. :p

Sa lahat ng may minamahal, na kulang nalang gumulong ka ng isang daang beses sa harapan niya, kulang nalang ibigay mo yung Jupiter sa kanya, kulang na lang ibigay mo na yung ngipin mo para punan ang ngiti niya, kulang nalang.. kulang. T*ngina! Parang kulang pa rin. Hindi ka pa rin niya maramdaman. Ang tanong, MAHAL KA BA NIYA?

Tandaan. Sabi nga nila..

I LOVE YOU is not a question. It’s a statement. And it’s not meant to be answered.

Maybe it’s just meant to be felt.

BLIND. DEAF. MUTE. NUMB.

Maglilipana na naman ang kakornihan ng buong sanlibutan sa darating na Valentine’s Day. Pero kahit anong gawin mo, kahit anong pigil mo.. Ang araw na ito ay dadaan sa kalendaryo para ipaalala ang nakasanayang kahulugan ng araw na ito, Araw ng mga Puso. Puso na sumisimbolo sa Pag-ibig.

Isang salitang nagbibigay kulay sa buhay ng mga tao. Isang bagay na nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay may pagkukulang. Na tayo ay may nakalaang espasyo para masabi nating, may mga bagay na hindi natin nakikita.. Sigaw na hindi naririnig.. Mga salitang hindi masabi.. At mga bagay na hindi natin maramdaman.

Pero hindi ibig sabihin nito na tayo ay punong puno ng pagkukulang. Isa lamang itong patunay na ang Pag-ibig ang pinakamagandang bagay sa mundo na pinagsasaluhan ng dalawang taong pawang may kapansanan ngunit hinding hindi ito magiging isang hadlang..

Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

-HAPPY VALENTIMES DAY! Haha Ay Valentine’s pala. 🙂 ❤ ❤ ❤ Ang araw na 'to ay para sa lahat. Para sa lahat ng taong may puso at nagmamahal. ❤

Corny. Haha

(SHOUT OUT nga pala sa kaibigan kong magbibirthday ngayong February 14! Huwag ka nang magtampo sa akin. Huhu Love pa rin kita kahit binubully mo ko. Kasi, may kapansanan ako. At isa ka sa pumupuno nun. 🙂 Hello sa inaanak kong pogi!)

¤¤¤Syeettt! Paano nga ba ulit magmahal? 😀 😛 🙂 ❤ …¤¤¤

Tulang walang pamagat

Tulang walang pamagat
Na animo’y hilom sa malalim na sugat
Pusong nawawala sa parang
Sana’y liparin na ng hangin patungo sa pampang
Para doon ay lubusang makalimot
Sa kasalukuyang puno ng poot
Panaghoy ng pusong ligaw
Hangin, kailan matatanaw?
Ang paglubog at paghalik ng araw
Sa dagat na puno ng alon
Saan na nga ba paroroon
Ang tulang walang pamagat
Sana’y dalhin na ng hangin sa ulap
Ang pusong puno ng pighati at sugat
Upang tuluyan ng makalimot
Sa lumalamong malahalimaw na poot