Kwentong Pag-ibig: Love is blind, deaf, mute, numb, colorful, great… Lahat na, P*%@&?!@!!!

“Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

February na naman! Hello sa mga may jowa, kunware may jowa, nangangarap magkajowa, at syempre sa mga nawalan ng jowa, mawawalan ng jowa at higit sa lahat.. Yung walang jowa! 🙂

(the term** haha!)

¤¤LOVE IS BLIND¤¤

Madalas kong marinig, makita ang mga katagang ito. Bulag nga ba ang Pag-ibig? Yung tipong nagkaroon na ng union ang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo, kulang na lang isali ng nanay mo si Kapitan Tiyago sa samahan nila para lang ipamukha sayo na hindi siya karapatdapat para sayo. Kasi daw oso sya. (Bakit, cute naman yung oso ah?) Pero hindi kasi yun. Kahit anong sabihin nila, alam kong ang bawat isa ay may kanya kanyang sagot sa katanungang “BAKIT SIYA?”. At walang taong pwedeng magdikta kung sino ang bibigyan mo ng matamis na Oo or kung sinong liligawan/mamahalin mo.

¤¤LOVE IS DEAF¤¤

Bingi raw ang Pag-ibig. Kasi kahit anong sigaw mo, minsan hindi ka marinig. Hindi ka na niya naririnig..

“Punta ko ng Wonderland.”

“Ingat ka.”

“Ano?! The line is breaking. I’m with girls. Ano ulit?!”

“T*ngina! Mahal kita!”

“Mahal din kita.”

“Ano?! I’m with someone. Low batt na ko. Bye! ”

¤¤LOVE IS MUTE.¤¤

Yung tipong gusto mong ipagsigawang importante ‘tong tao sayo. Taong may espesyal na space. Pero nautot ka nalang sa katatago ng feelings mo. Kasi nga, Love is Mute. So kapag nagsama si Love is Deaf at Love is Mute.. Wala na. Wala ng pag-asa. (Ooops! Meron pa! Huwag kang bitter. Haha Habang nabubuhay, may pag-asa. 🙂 )

¤¤LOVE IS NUMB.¤¤

Ayan naaa. Manhid ka. MANHID KA!!! Hahahaha blog ko ‘to. :p

Sa lahat ng may minamahal, na kulang nalang gumulong ka ng isang daang beses sa harapan niya, kulang nalang ibigay mo yung Jupiter sa kanya, kulang na lang ibigay mo na yung ngipin mo para punan ang ngiti niya, kulang nalang.. kulang. T*ngina! Parang kulang pa rin. Hindi ka pa rin niya maramdaman. Ang tanong, MAHAL KA BA NIYA?

Tandaan. Sabi nga nila..

I LOVE YOU is not a question. It’s a statement. And it’s not meant to be answered.

Maybe it’s just meant to be felt.

BLIND. DEAF. MUTE. NUMB.

Maglilipana na naman ang kakornihan ng buong sanlibutan sa darating na Valentine’s Day. Pero kahit anong gawin mo, kahit anong pigil mo.. Ang araw na ito ay dadaan sa kalendaryo para ipaalala ang nakasanayang kahulugan ng araw na ito, Araw ng mga Puso. Puso na sumisimbolo sa Pag-ibig.

Isang salitang nagbibigay kulay sa buhay ng mga tao. Isang bagay na nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay may pagkukulang. Na tayo ay may nakalaang espasyo para masabi nating, may mga bagay na hindi natin nakikita.. Sigaw na hindi naririnig.. Mga salitang hindi masabi.. At mga bagay na hindi natin maramdaman.

Pero hindi ibig sabihin nito na tayo ay punong puno ng pagkukulang. Isa lamang itong patunay na ang Pag-ibig ang pinakamagandang bagay sa mundo na pinagsasaluhan ng dalawang taong pawang may kapansanan ngunit hinding hindi ito magiging isang hadlang..

Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

-HAPPY VALENTIMES DAY! Haha Ay Valentine’s pala. 🙂 ❤ ❤ ❤ Ang araw na 'to ay para sa lahat. Para sa lahat ng taong may puso at nagmamahal. ❤

Corny. Haha

(SHOUT OUT nga pala sa kaibigan kong magbibirthday ngayong February 14! Huwag ka nang magtampo sa akin. Huhu Love pa rin kita kahit binubully mo ko. Kasi, may kapansanan ako. At isa ka sa pumupuno nun. 🙂 Hello sa inaanak kong pogi!)

¤¤¤Syeettt! Paano nga ba ulit magmahal? 😀 😛 🙂 ❤ …¤¤¤

Advertisements

A Simple Truth About Happiness: When everything feels right

Before I take my deprived rights on sleeping, I would like to kiss my tears away by spending some minutes on my page while I’m trying to convince you (whoever’s reading) that my post has something to do with your life.. and your feelings.. And your thoughts. Haha nyanya

I am pondering about how people find happiness in different ways. Some find it in shoes stored in cabinets with skeletons. Some find it in food like “Arrghh food is forever and I want to marry as many food as I want because I love to eat and it makes me fat”. Or people find it in books and coffee and cookies and music and beaches and cars and places..

Want some more?

Cosmetics and dogs and cats and alcohol and smoke and dresses and photographs and curtains and papers and stickers and spoons and movies..

Or maybe we could find happiness in family and friendship and work and love and tranquility and peace and time and trust and hope and faith..

And I could add some more and finish this post in year 3000 or even more.

Maybe because we always try to find happiness in everything.

But today somebody reminded me that happiness will never be a “find me” puzzle. Because happiness (I would say) happens not completely because it’s the right time nor person nor place nor situation.

But simply because IT FEELS RIGHT. And it takes tons of courage and guts to jump into that it-feels-right feeling.

(And when something goes wrong that’s the time we forget what happiness is.)

-TOO MUCH FOR TODAY. A very loooong start of the week. My happiness is sleep. 🙂 ❤

2017: Chasing Happiness

“Because it’s not just everybody deserves to be happy, but everyone has a chance to grab happiness and chose to have it.”

2016.

A year full of chances and opportunities. It brought me lessons I would bring through the succeeding years. It taught me a lot of things. Things that are more important than what our naked eyes could see. It even took me to places with little essence of paradise. And most importantly, it has given me a chance to make things right and straighten crooked lines from 2015.

I learned that your best friend could forget your birthday, but it doesn’t matter anymore after a 13 second sad momentum because you love her more than what odds could bring. I learned that not all would stay the same. It’s not that you aren’t aware of the phenomenal changes on earth, but you always chose to believe it has to be like this because it was fucking like this before. But no, you don’t need changes-acceptance. You had that. What you need is a little sprinkle of reality that “change” is a status quo. However, it only works through your mind, but not to your heart. Because what you feel would fade, but nah-uh..it wouldn’t change. (Like, you loved Chuckie drink, it fades but you’ll never forget the feeling every time you take a chocolatey sip.) 2016 brought me a piece of opportunity to “fix myself” though. You could start with my job, new acquaintances, friendship, and you could include love. Oh, that freaking feeling.

Nevertheless, 2016 taught me that love is and will never be adjacent to fate. You feel it, but it was never crafted across your lead. You have to explore it, you have to fight for it, you have to chose it and most of all you have to let him/her know that you’re willing to do what you have just read. *laughs* sort of like that. Am I going to do it? I don’t know yet. 2017 knows.

Friendship. Chances. Fate. Love. What else did I learn?

Oh, yah. One more thing.

I learned that not wearing a watch makes you more human. Haha believe me or not you have to believe me. Time flies baby. And you’ll never know what you’re missing within 3 seconds every time you look at your watch, every time you feel the pressure of time. Breathe. Think. And then breathe again.

Time is a man-made grid. Not bad to forget it some time.

Lastly, I want to take this as an opportunity to tell you (whoever’s reading) that life could be miserable, sad and arrogant most of the time.. but have the right to chose happiness. Because it’s not just everybody deserves to be happy, but everyone has a chance to grab and chose to have it.

Say thank you to last year, and say hi to 2017. A year full of chances. Full of choices. *** Well, it’s always been, pal! 🙂 ***

QuoteMeal 002

“Give it to the universe.”

I wonder what makes other people sad. Is it heart break? Broken family? Shaken friendship? Washed off relationship? Wrecked car? Shattered house? Endless work? Unstable job? Crippled dreams? Health condition?

It’s too many. Too many that I would like to mention in a very special way the last but not the least, Money . *laughs* Money is the universal concern of everyone. It’s hypocritical to say that money can’t buy happiness. *And then insert the jet ski thing here. Haha Who doesn’t want that*

My mom would always say, “Money talks.” Then I could imagine my coins and bills having a conversation in my purse. That would really freak me out!

However, I want to believe that happiness doesn’t just rely on gold. I always remind myself that money could be everything. But you can’t let it to be YOUR everything. That’s why once in a while, I always check on things how I can tease people I love, chase food, drink like a fish, care for people I share my time with, and of course, how I can make things weirder *hmm.. Yaaa weirder* I value little things because these remind me that I have, or we have the right to be happy no matter how inevitable life opportunity is.

And I learned an incredible thing today..

That even if you’re so fucked up, and everythings’s a mess, life goes on and you have to breathe and leave no trace. Get drunk. Get crazy. Get wild. Get better. Do your thing and leave everything else to the universe.

-Thank you Mee. 🙂 Ang sarap talaga ng kulay green na pastaaaa ❤

Libing ni Marcos na Nababalutan ng Hugot at Pag-ibig

Kasama sa balita kagabi ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani. At bigla ko na lang inihalintulad sa pag-ibig ang nasabing pangyayari. In short, naging crazy ako, tapos medyo naging bitter pero medyo nainspire ng konti na umabot hanggang tenga ko yung kilig. Haha kung bakit, eh ilibing na natin kasama ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. :p

Pakiramdam ko, napapanahon na na maihimlay sa tamang lugar ang dating Pangulo. Hindi para ilatag na isa nga siyang bayani sa mata ng bawat isa, pero dahil minsan niyang ibinahagi ang sarili niya sa panunungkulan para sa Pinas. Hindi perpekto ang pamahalaang Marcos. Siguro hindi ko lubusang maiintindihan ang Martial Law na yan. Eh hangin pa lang naman ako nun.

Tama ka. May nasaktan. May nasugatan. May hugot. Malalim. Madiin. Kaya patuloy na may tututol. Patuloy na may mananariwa ng nakaraan. Patuloy na may ipipilit ipaglaban. Hanggang sa mapagod. Hanggang sa mauntog ang mga kaisipan.. Hanggang sa mapagod ang puso na maghanap ng mga kasagutan sa mga tanong ng nakaraan.. Na minsan kahit gaano kasakit ang iyong naramdaman, kailangan nating ibaon sa lupa ang nakalipas. At subukang tanggapin ang katotohanang.. May mga bagay na di mo na mababago kahit kailan. At may mga bagay na kailangan mong isara para bigyang pagkakataon ang mga pintong maaaring buksan. Para bukas makalawa, hindi mo na iisiping sinaktan ka lang at iniwan. Oras na para isipin mong, kaya mong ilibing ang mga bagay na minsang nagpabago ng ikot ng mundo mo. Pero kaya mo pa rin patakbuhin ‘to gamit ang manibela mo.

Hanggang sa matagpuan mong muli ang halimuyak ng pag-ibig. Hanggang sa muli mong mahalin ang iyong sarili.

Yan. Diyan lang magsisimula ang mga katagang

MOVED ON. 🙂

-kung hihimayin ba ang bawat buhay ng mga taong nakahimlay sa libingan ng mga bayani, ilan kaya sa kanila ang talagang masasabing bayani? :/

Hugot pa more: Back to school Edition!

Balik eskwela na naman tayo mga kapatid! Simulan na ang pagbabalik hugot sa apat na sulok ng silid-aralan. 🙂

*Lahat ata ng school nagmahal na pagdating sa tuition fee.

IKAW NA LANG ANG HINDI NAGMAMAHAL!!!

*Hindi ako papel..

NA ITATAPON MO NA LANG KAPAG NAGKAMALI KA.

*Kelan man hindi mo pwedeng lagyan ng Science ang Love..

DAHIL HINDI YAN TULAD NG EXPERIMENT NA PWEDE MONG PAGLARUAN PARA LANG MAY MATUTUNAN!!!

*Para kang terror na teacher..

MALAYO KA PA LANG, RINIG KO NA ANG TIBOK NG PUSO KO.

*Math ka ba?

P*T@NGINAAA! GINAWA KO NAMAN LAHAT!!!

*Physics ka ba?

ANG HIRAP MONG INTINDIHIN!!!

*Chemistry is love

PINAG-AARALAN MO KAHIT HINDI MO NAKIKITA, NARARAMDAMAN MO LANG.

*Ang pag-ibig parang grades lang..

PIPILITIN MONG AYUSIN.. KAHIT HIRAP NA HIRAP KA NA.

-Welcome back students! 🙂 ❤

RTW: Reason To Work

RTW: Ready To Wear

Yan ang alam kong RTW. Pero kahapon ko lang nalaman na may iba pang katumbas na sa salita ang bawat letra. At yan nga ay ang REASON TO WORK.

Rason para magtrabaho. Rason para makapasok sa opisina. Rason para magpursigi. Rason para magsipag. Rason para mahalin ang trabaho. Rason para makalimot. Rason para umusad. Rason para magpatuloy. Rason para magmove on sa buhay.

Rason. Rason. Rason.

Puro na lang rason.

Kaya ba pagdating sa pag-ibig nilalagyan na din ng makukulay na rason?

Why did you love the person back (in the first place) ? Why.

Someone had asked me then, why did you love him? And I just said, “Just because.”

Hindi dahil sa walang direksyon ang pagmamahal mo sa taong yun, pero dahil walang sasaktong salita, pangungusap, kaisipan, o paliwanag o rason ang pwedeng magdescribe ng nararamdaman mo para sa taon yun. At sa pagkakataong makahanap ka na ng rason kung bakit mo minamahal ang isang tao, mangamba ka na.. Baka makahanap ka na rin ng rason para saktan siya.

-Haluh. I’m okay. 🙂 Medyo pangit lang ang gising. WORK! WORK! WORK! Para sa kaban ng bayan!