Kwentong Kamay

“Ang kamay na bumitaw sa’yo ay hindi makakawala kung hawak hawak pa rin ‘to ng kamay mo..”

Hugot. Oo na sige na. Pero may tama naman sa sinabi ko..haha (ipush ko pa opinion ko)

Sino bang gustong bitawan? Sino bang gustong iwanan? Sino bang gustong masaktan? Kung meron man, siya yung totoong bato, hindi ako. Haha syempre wala! Walang may gustong umiyak habang nasa jeep. Umiyak sa library o opisina ng patago. Umiyak sa banyo bago maligo. Umiyak sa gabi na parang wala ng sisikat na araw kinabukasan. Wala talaga. Wala.

Pero kailan ba tayo nasasaktan? Kapag nasugatan? Kapag nawalan? Kapag iniwanan?

Maraming tanong. Maraming lumalarong tanong sa isipan. Pero sana huwag mong kalimutan, na habang hinahanap mo ang mga sagot sa tanong mo, pilit niya ring sinasagutan ang isang malaking palaisipan, na parang walang katapusan.

Sabi nga, ang kamay na hinampas mo sa pader, kahit gaano katigas ‘to, parehas lang din kayong naramdaman, kahit mukhang wala siyang pakialam.

Siguro, sa lahat din naman ng bagay dalawang panig ang sangkot. Hindi lang isa, dalawa. Minsan nga tatlo o higit pa. Hindi lang ikaw, pati rin naman siya.

Parehas may rason at dahilan. Parehas may pinanghuhugutan. Parehas may pinanggagalingan. Parang itim at puti. Yin at Yan. (tama ba) Kutsara at tinidor. Balde at tabo. Kanin at ulam. Papel at pluma. Po at Opo.

Kaya sa dalawang kamay na minsang mahigpit na nakahawak sa isa’t isa, dumarating sa puntong meron at merong mapapagod. Napapagod at bumibitaw. Bumitaw siya, eh ikaw, hinawakan mo pa rin ba? O sadyang ikaw din bumitaw na.

Dahil ang kamay na bumitaw sa’yo ay hindi makakawala kung hawak hawak pa rin ‘to ng kamay mo..

Pero ganun talaga. Masakit. Kaya minsan mapapamura ka nalang sa sakit. Hanggang sa humugot ka nalang kahit ang bitter ng pakinggan. Pero ang mahalaga dun, ginawa mo ang lahat para kumapit. Kumapit ka parin na para kang nakikisabit sa jeep, kahit nakakapagod na, kahit mukha ka ng tanga sa mata ng iba. Para sa oras na dumating sa puntong bababa ka na, handa ka ng isigaw:

“Manong drayber, Para!”

Hindi dahil sa pagod ka na. Kundi dahil alam mo sa sarili mong:

“Eto na ‘to, Tama na. P*%@#!&@!”

Oh, ako na naman yung bitter. Haha hindi ba pwedeng hugot para sa ibang taong nasaktan? 😛

Osya, pagaling na kayo! Kaya niyo yan. 🙂

Advertisements

Fate is a myth

I have a friend whom I consider a very good listener. And a very wise person. We usually talk about life and stuff. We even touch each of our heart’s stories. We come to a point that our argument is about fate.

Is fate real?

Then I came to realize that there’s no such thing as fate.

My friend seemed to have just met a long lost friend. The man said, “I thought you’ve never wanted to go out with me.” And my friend answered..

“You could have known, if you’ve just asked.”

But he never did.

And I laughed.

Fate is a myth. It works with choices, decisions and will. Nonetheless, fate is an art of life. Carved by joy and tears. Painted with love and pain.

T4T: Thoughts for Today 08

“Heart never fails to remember…”

A friend told me, I need to wake up, get back to my senses. And I appreciate the fact that he sees my thoughts. But those thoughts make up my every day. It’s no longer the air that I breathe, but it’s the wind that cools my uneven life. It’s no longer the strongest feeling I have now, but it’s the emotion I would still chose to live on. I don’t have a crystal vision to what or how it should be. I just believe that at the end of the day, heart never fails to remember.

-Happy Heart’s Day ❤

No title, just me and another day

Sa pagpikit ng mga mata
Bumabakas ang iyong alaala
Kumikiskis ang iyong tinig sa aking tenga
Kasabay ng di mawaring pagluha
Hatid ng pusong minsang nangamba
Mga mata mong minsang cheverloo nyalalaaaa..

(Ano Ge, tuloy mo pa?)

Hahaha wag naaaa Saka nalang kapag may time. 😛

-Hi! Good morning! 🙂 Bakit ako pa lang ang gising. Ibig bang sabihing maaga ko nagising o late sila magising? :))

Maaaaaa, Pizzaaaa please? Behave lang ako. 🙂