Hiatus

IMG_20171004_084226_1_20140101083108947.jpg

 

|Credits|C.L.|A stranger|

It took me three months to finish what you’re seeing above. And don’t expect too much. Haha 😛 It was just a product of my sleepless nights or tiresome days. And it’s starting to stress me out because I can’t think of the stroke nor the color I would apply on the Moon and the space surrounding it.

Mali ba ko ng concept?

Magulo lang ba talaga ko mag-isip?

Or walang kwenta lang talaga yung kinulayan ko. Haha

O sadyang walang pwedeng magpuno ng nararamdaman ko.. habang iginuguhit ko ‘to.

Hiatus.

A very interesting word.

Break.

Parang yung panahon na kinain mo yung cupcake na pinadala ng nanay mo para sa recess time niyo sa school.

Walang masyadong espesyal na handog ang post na ‘to.

Isa lamang ‘tong pagkilala sa salitang hiatus na nagsasabing hindi masamang magpahinga.

Lalo na kung pagod ka na.

(Kasi nasira ang dryer niyo at nagkataong ikaw yung nakatokang maglaba.)

Gumana ka na po. 😦 HAHA

Utang na le-erb.

Advertisements

Kwentong Pag-ibig: Love is blind, deaf, mute, numb, colorful, great… Lahat na, P*%@&?!@!!!

“Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

February na naman! Hello sa mga may jowa, kunware may jowa, nangangarap magkajowa, at syempre sa mga nawalan ng jowa, mawawalan ng jowa at higit sa lahat.. Yung walang jowa! 🙂

(the term** haha!)

¤¤LOVE IS BLIND¤¤

Madalas kong marinig, makita ang mga katagang ito. Bulag nga ba ang Pag-ibig? Yung tipong nagkaroon na ng union ang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo, kulang na lang isali ng nanay mo si Kapitan Tiyago sa samahan nila para lang ipamukha sayo na hindi siya karapatdapat para sayo. Kasi daw oso sya. (Bakit, cute naman yung oso ah?) Pero hindi kasi yun. Kahit anong sabihin nila, alam kong ang bawat isa ay may kanya kanyang sagot sa katanungang “BAKIT SIYA?”. At walang taong pwedeng magdikta kung sino ang bibigyan mo ng matamis na Oo or kung sinong liligawan/mamahalin mo.

¤¤LOVE IS DEAF¤¤

Bingi raw ang Pag-ibig. Kasi kahit anong sigaw mo, minsan hindi ka marinig. Hindi ka na niya naririnig..

“Punta ko ng Wonderland.”

“Ingat ka.”

“Ano?! The line is breaking. I’m with girls. Ano ulit?!”

“T*ngina! Mahal kita!”

“Mahal din kita.”

“Ano?! I’m with someone. Low batt na ko. Bye! ”

¤¤LOVE IS MUTE.¤¤

Yung tipong gusto mong ipagsigawang importante ‘tong tao sayo. Taong may espesyal na space. Pero nautot ka nalang sa katatago ng feelings mo. Kasi nga, Love is Mute. So kapag nagsama si Love is Deaf at Love is Mute.. Wala na. Wala ng pag-asa. (Ooops! Meron pa! Huwag kang bitter. Haha Habang nabubuhay, may pag-asa. 🙂 )

¤¤LOVE IS NUMB.¤¤

Ayan naaa. Manhid ka. MANHID KA!!! Hahahaha blog ko ‘to. :p

Sa lahat ng may minamahal, na kulang nalang gumulong ka ng isang daang beses sa harapan niya, kulang nalang ibigay mo yung Jupiter sa kanya, kulang na lang ibigay mo na yung ngipin mo para punan ang ngiti niya, kulang nalang.. kulang. T*ngina! Parang kulang pa rin. Hindi ka pa rin niya maramdaman. Ang tanong, MAHAL KA BA NIYA?

Tandaan. Sabi nga nila..

I LOVE YOU is not a question. It’s a statement. And it’s not meant to be answered.

Maybe it’s just meant to be felt.

BLIND. DEAF. MUTE. NUMB.

Maglilipana na naman ang kakornihan ng buong sanlibutan sa darating na Valentine’s Day. Pero kahit anong gawin mo, kahit anong pigil mo.. Ang araw na ito ay dadaan sa kalendaryo para ipaalala ang nakasanayang kahulugan ng araw na ito, Araw ng mga Puso. Puso na sumisimbolo sa Pag-ibig.

Isang salitang nagbibigay kulay sa buhay ng mga tao. Isang bagay na nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay may pagkukulang. Na tayo ay may nakalaang espasyo para masabi nating, may mga bagay na hindi natin nakikita.. Sigaw na hindi naririnig.. Mga salitang hindi masabi.. At mga bagay na hindi natin maramdaman.

Pero hindi ibig sabihin nito na tayo ay punong puno ng pagkukulang. Isa lamang itong patunay na ang Pag-ibig ang pinakamagandang bagay sa mundo na pinagsasaluhan ng dalawang taong pawang may kapansanan ngunit hinding hindi ito magiging isang hadlang..

Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

-HAPPY VALENTIMES DAY! Haha Ay Valentine’s pala. 🙂 ❤ ❤ ❤ Ang araw na 'to ay para sa lahat. Para sa lahat ng taong may puso at nagmamahal. ❤

Corny. Haha

(SHOUT OUT nga pala sa kaibigan kong magbibirthday ngayong February 14! Huwag ka nang magtampo sa akin. Huhu Love pa rin kita kahit binubully mo ko. Kasi, may kapansanan ako. At isa ka sa pumupuno nun. 🙂 Hello sa inaanak kong pogi!)

¤¤¤Syeettt! Paano nga ba ulit magmahal? 😀 😛 🙂 ❤ …¤¤¤

Bakit minsan parang walang kulay?

t13

collage

I was teaching my niece how to use different mediums…First, crayons, and then she got my pastel colors..wala ako nagawa kundi umiyak nung makita kong pudpod na lahat ng pastel ko. 🙂 she hates watercolor,. Haha wala daw kulay. And I was like, BobOng mode activated. “Ang watercolor kasi hindi lalabas ang kulay na gusto mo kung mali ang amount ng tubig na inapply mo.” And my little niece was like, uhuh-okay. She may not fully understand pero mukhang may napulot naman syang kadramahan, este lesson kahit papaano.

Pero para sa nagbabasa nito gusto ko lang ipaliwanag ng maigi kung gaano kahalag ang tubig sa watercolor. Ayun na nga..masobrahan mo ng tubig, fade na masyado yung kulay sa pagipininta mo, pag kinulang ka naman, masyadong bright ang lalabas na kulay kahit yung kailangan mo na kulay e yung medyo tama lang..yung sakto lang.  So, it would really depend on the concentration you need for a certain part na kinukulayan mo. Napakahalaga ng tubig para sa watercolor. Kung baga yun ang catalyst para sa ninanais mong kulay, faded man o bright.  E basta. Uuwi na ko ng bahay at magkukulay pa kami ni Tatam J at tuturuan ko naman siya ngayon pano maghalo ng kulay. J Excited na meeeeeeeeeeeee bye!