Libing ni Marcos na Nababalutan ng Hugot at Pag-ibig

Kasama sa balita kagabi ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani. At bigla ko na lang inihalintulad sa pag-ibig ang nasabing pangyayari. In short, naging crazy ako, tapos medyo naging bitter pero medyo nainspire ng konti na umabot hanggang tenga ko yung kilig. Haha kung bakit, eh ilibing na natin kasama ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. :p

Pakiramdam ko, napapanahon na na maihimlay sa tamang lugar ang dating Pangulo. Hindi para ilatag na isa nga siyang bayani sa mata ng bawat isa, pero dahil minsan niyang ibinahagi ang sarili niya sa panunungkulan para sa Pinas. Hindi perpekto ang pamahalaang Marcos. Siguro hindi ko lubusang maiintindihan ang Martial Law na yan. Eh hangin pa lang naman ako nun.

Tama ka. May nasaktan. May nasugatan. May hugot. Malalim. Madiin. Kaya patuloy na may tututol. Patuloy na may mananariwa ng nakaraan. Patuloy na may ipipilit ipaglaban. Hanggang sa mapagod. Hanggang sa mauntog ang mga kaisipan.. Hanggang sa mapagod ang puso na maghanap ng mga kasagutan sa mga tanong ng nakaraan.. Na minsan kahit gaano kasakit ang iyong naramdaman, kailangan nating ibaon sa lupa ang nakalipas. At subukang tanggapin ang katotohanang.. May mga bagay na di mo na mababago kahit kailan. At may mga bagay na kailangan mong isara para bigyang pagkakataon ang mga pintong maaaring buksan. Para bukas makalawa, hindi mo na iisiping sinaktan ka lang at iniwan. Oras na para isipin mong, kaya mong ilibing ang mga bagay na minsang nagpabago ng ikot ng mundo mo. Pero kaya mo pa rin patakbuhin ‘to gamit ang manibela mo.

Hanggang sa matagpuan mong muli ang halimuyak ng pag-ibig. Hanggang sa muli mong mahalin ang iyong sarili.

Yan. Diyan lang magsisimula ang mga katagang

MOVED ON. 🙂

-kung hihimayin ba ang bawat buhay ng mga taong nakahimlay sa libingan ng mga bayani, ilan kaya sa kanila ang talagang masasabing bayani? :/

Advertisements