You’re My Second Wind

mrbear

 

|Why?|

|Just because.|

 

|You’re my second wind.|And you’re in my thoughts.|

|Right there.|

 

|P.S.|

|9.8 m/s2.|V|

Advertisements

Fate is a myth

I have a friend whom I consider a very good listener. And a very wise person. We usually talk about life and stuff. We even touch each of our heart’s stories. We come to a point that our argument is about fate.

Is fate real?

Then I came to realize that there’s no such thing as fate.

My friend seemed to have just met a long lost friend. The man said, “I thought you’ve never wanted to go out with me.” And my friend answered..

“You could have known, if you’ve just asked.”

But he never did.

And I laughed.

Fate is a myth. It works with choices, decisions and will. Nonetheless, fate is an art of life. Carved by joy and tears. Painted with love and pain.

Kwentong Popcorn

Habang pauwi ako kanina, at busy ang hypothalamus gland ko mag-absorb ng chemicals….. biglang lumapit sakin ang naka-corporate attire na mama, nakakurbata, at inabot sakin ang cheese flavor na Kettlecorn sabay sabi sakin ng “Ma’am, may credit card na po ba kayo?”

Hahahahaha anong kinalaman ng popcorn sa credit card na inaalok? Ang weird ng marketing strategy pero cool idea. Kakaiba. Nakakatawa, pero tatatak sa isipan. :))

-Yay! Mababaw ang kaligayahan ko. At ayokong laliman. Goodnight yccmf! 😀

5 Things to squeeze up boredom

Do you ever wonder how you overcome a specific time in your life? You come to a point that you want M&M’s and Reese’s to just fall from the sky because you can’t think of anything that could hammer your living hours? And right now, that’s what I feel so I decided to share how I squeeze up boredom.

  • Try to disturb people. Not in a sarcastic way. You just have to be that little mushroom, and pop yourself in and rock them up. Wow, mushroom rocks, thanks. -_- For example, asking your loved ones in some place: “What are you doing, honey?” And the tone should be convincing as if you really know what they’re doing. To the extent that they would think you’re just nearby.
  • Watch a movie. Old or new, have watched or not yet, it doesn’t matter because you are bored. But the fun part would be…….translate the words coming out of the idiot box into your own dialect or language. For example: “I love you…” into “Mahal kita.” I got this cool idea from my Aunt J.
  • Bite your little niece. If she’s not around just like little Tatam who happens to be in the province with my mom, and of course I’m alone, try to bite her gummy bears. Just the same feeling. They’re adorable.
  • Delete files. Yes, delete it. You don’t have time to browse unnecessary things when you are at the top of the world. So now that you are just as flat as a paper, slowly dying because of boredom, you must at least delete trash out of your memory. Please do it.
  • Read a text book. This may sound absurd but the gist is…you’re not going to translate anything. All you have to do is to make sense out of it. For example, making a sweet quote…

From this robotic statement:

“A bond is a formal unconditional promise, made under seal, to pay a specified sum of money at a determinable future date, and to make periodic interest payments at a stated rate until the principal sum is paid.”

You turn it into this:

“Can we have a bond? A formal unconditional promise made under seal, to pay me a special consideration until undetermined future date, and to make periodic interest in me ‘til I have enough principal sum of affection for you.”

 

ang korni ko hahaha kairita

-Summer, anong ginagawa mo? Batong bato na ‘ko. Til next week pa ‘to. Huhu 😦

“Life happened because I turned the pages”

62804_1361129522711_2373211_n

Sa kasagsagan ng Midterm week namin, may isang marikit na taong nagtanong sa akin:

“Ate, paano ba mag move on?”

Hindi ko alam kung seryoso siya sa tanong niya dahil alam kong ang mga mata niya ay may ningning pa at alam kong lango siya sa pagmamahal. Inisip ko noon baka inutusan lang siya ng kaibigan ko na tanungin ako ng ganun para lang makapang-asar. O pwede din na baka gusto niya lang din bigyan ng pagkakataon na maihanda ang kanyang sarili sa mga bagay bagay. Pero sa madaling sabi, mas nag-isip ako ng dahilan kung bakit niya ko tinanong kesa sagutin yung tanong niya. Kaya tumahimik nalang ako.

Ngayon, naiip ko na baka maling hindi ko nasagot ang tanong niya. Kaya para sayo, gusto kong ibahagi ang munti kong ideya kung papaano mag-move on. I’m not sure about this if it would work to anybody. But let me try, it might help. J

Limang Bagay na Pwedeng Gawin Habang Nagmomove-on

 

Maglinis ng kwarto. Hindi ‘to para alisin ang mga bagay na sa tingin mo ay basura. Because believe me, you can’t throw it away easily. Isang simpleng paraan lang ito para madivert ang utak mo. Hindi rin kasi healthy na siya lang at siya lang ang iniisip mo. Baka magising ka nalang isang araw hindi na lang siya ang nawala sayo. Magtuon ka din ng oras para sa ibang taong mahalaga para sayo. (Ano konek ng ibang tao sa paglinis ng kwart mo? haha)

Kumain ng tsokolate. O ng kahit na anong may tsokolate. Naniniwala ako na isa sa pinakamabisang paraan para mabuhayan ang happy hormones ng tao ay ang paglafang ng tsokolate. I like Chuckie. J Hindi ko alam kung papaano nangyayari pero sigurado kong ikaluluwag ng nararamdaman mo ang pagtake nito. Though it won’t last long, you can’t eat or drink chocolates every time. But it’s worth the try. Ang pagmove on ay hindi nakukuha sa isang tulog lang. It takes time. At walang makakapagsabi kung gaano katagal yan.

Kumanta ka. Kahit labag sa kalooban ng iba na gawin ito, kumanta ka pa din. (I know you sing, and I heard you in one of our school events before. So madali na yun para sayo. Go girl!) Ako kasi, medyo labag sa kalooban ng mga taong nakapaligid sa akin haha. Pero kahit ganun, still..I sang it out loud. And it made things better. In one way or another, music is the language of hearts.

Tumikim ng bawal. Don’t get me wrong. Hindi ito ang iniisip mo. What I’m saying is, exceed the limit. Try something else. Akyatin mo ang burol o bundok, lumangoy ka sa lawang hindi mareach ang kailaliman, drink like a fish (or not this. Di ‘to maganda.), sumakay ng tren tapos hindi ka bababa at magtatago ka sa guard kasi palalabasin ka niya ng tren dahil huling station na, maglakad ka mula school pauwi sa inyo, magtanim ka ng cactus, maghanap ka ng mga shells sa dagat tapos ibabalik mo din lang sa dalampasigan, umakyat ka ng lighthouse, magpakain ka ng kabayo o ng pagong o giraffe (bahala ka, basta kung ano Makita mo sa animal park, try mo silang pakainin. One great achievement yun.)

Scribbles. Magsulat ka. Kahit ano. Basta maisipan mong isulat, isulat mo. Sa papel, sa tissue, sa magazine, sa book. Mga bagay na di mo masabi, minsan mga salitang nakasulat sa papel ang pwede mong sandalan. Hindi sa walang gustong making, pero dahil ito yung mga salitang nangungusap lang sayo. Alam mo yun? At walang ibang makakaintindi kundi ikaw. May makaintindi man pero hindi ‘to lubos na amuunawaan. Dahil amy kanya kanya tayong kwentong pag-ibig. Ika nga, kanya kanya tayong love story. Dahil ang puso mo, iba sa puso ng iba. Pero ang pagkakaibang yun, naniniwala akong yun ang sanhi ng sakit. Dahil kapag naramdaman nating nawala na ang taong minsang nagpupuno ng edges natin, we feel empty again.

Di ko alam kung may kwenta yung sinabi ko. Haha Sana sa susunod na magkita tayo at may tanong ka ulit sa akin, sana masagot ko na kagad. 😀 Dati akala ko Dianne ang pangalan mo. Mali pala haha See you when I see you 🙂

Pang ilang pahina na nga ba

Ang libro mong binabasa

Na di rin naman maintindihan

Dahil isip mo’y palutang lutang

Walang ibang nasa puso

Kundi siya, pati sa pagtulog mo

Walang ibang nasa isip

Kundi siya, pati sa panaginip

Luhang sinasalo ng bawat pahina

Hiling ay sana’y tumila na

Sarili’y nasa gitna ng ulan

Bahaghari  na sana’y mamasdan

Umaasang isang araw

Siya’y babalik pa

Hihintayin ang sandaling

Bukas makalawa

Ika’y malaya na

Ako’y Isang Utak Manok

 

 

 

 

 

ancient-books

 

 

Image Source: electrummagazine

 

 

Pasensya na ah. Na di ako nakaabot sa standards mo. Kung baga wala ko sa kota mo. Mali ako, tama ka. Na para bang alam na alam mo na mali, pangit at walang kwenta yung ginagawa ko. Pasensya na.

 

Naisip ko tuloy, baka nga makitid at maliit yung utak ko at di ko kayang saluhin ang kabobohan ko. Siguro tama ka, isa akong utak manok.

 

 Perpekto. Pwede mo ba kong turuan kung paano maging perpekto? Kahit magmukhang perpekto nalang siguro, okay na sakin yun. Basta wag mo nalang ituro sakin kung pano manghusga ng bobo. Baka kasi di ko kayanin at ng utak ko kung dalawa ituturo mo sakin. Hehe *kamot ulo* Kaya yung unang sinabi ko nalang po ang ituro niyo sa akin. Thanks!

 

Feeling ko nga, idol na kita e! Kaso parang ang layo ng agwat natin. Perpekto ka , ako ganito lang. 😦

 

Sana dumating yung araw na maabot ng isip ko kung paano mo nasusukat ang mga bagay bagay. Marami kasi sa pananaw ko ang di ko maipaliwanag ng maigi. Kasi nga, utak manok ako..

 

At ikaw perpekto. 

 

(yii high school lang. -_- )