The Pebbles

|Gusto kong magpasalamat sa mga taong nagbibigay inspirasyon sa akin para ipilit ko sa sarili ko na writer ako. (Haha)|

|Unang una, sa kapitbahay namin. Dahil malaya akong nakakawifi ng libre kapag nagiinternet sila. (Pero ngayon may password na.)|

|Sa mga taong nagpapangiti sa akin sa jeep. Because of you guys, I keep on learning about life. Na hinding hindi ko makukuha sa silid aralan.|

|Sa mga taong mapanakit. Haha Mas marami akong nasusulat kapag tungkol sa bitterness ang usapan. Iba kasi talaga kapag usapang puso. May laman. May hugot. Kasi nga, punungpuno ng emosyon.|

|Sa mga kaibigan kong nagbibigay kulay sa boring kong buhay. Mga kaibigang walang ibang choice kundi mahalin ako kasi mahal nila ako. Huhu I love you. ❤ Kahit hindi tayo araw araw na nagkikita, gusto kong magpasalamat dahil alam kong nasa tabi ko kayo. |

|At syempre sa nanay kong kulot na may nunal na malaki sa kaliwang pisngi. Kasi buong buhay ko ikaw ang sandalan ko. Kahit anong sabihin nila, masarap pa din ang luto mo para sa akin. (Pero sabi nila, masarap daw luto mo. Haha Pero ayoko maniwala. Naaalala ko kasi yung pinakbet na walang lasa hahahahahaha)

|Tara, kape tayo?|

🙂