The truth is…

Funny isn’t it? That life has a very common pattern of happiness-sadness routine. How long does it take to lose pleasure or bliss? It takes just a second my dear.  At one snap, every single reason you have to be in full joy could vanish right away. For what reason? Just that. And like that. Ironically you can’t do something. You’re out of control. It just happens.

But why do good things leave us the way nobody would want to be left alone in nowhere? Or why would people we love and care about would even try to leave us behind? At my work, it’s a protocol to ask: What’s holding you back? But in real life, we can’t ask the same question. Because doing so is comprehending us making another mistake from throwing out that one. We feel so naïve on that part where we believed on what our hearts desire for. It’s just too painful… No, it isn’t painful at all. It’s more likely and better to be called raw feelings I guess?

(The truth is, I feel hurt. Because you asked me to stay, and I said yes, I will. But you’ve made me feel I stayed for no one.)

*hands up*

Advertisements

489 words spelling out Fear

Habang pinagiisipan ko kanina kung paano ko magrereview para sa Midterm ko sa Friday, nakatulog ako. Pagdilat ko madilim. Buti di ko natanggal relo ko at nasilip ko yung oras. (Umiilaw relo ko sa dilim, yung mala Dora) Hindi accounting exam ang una kong pinroblema..kundi yung defense ko sa PolStrt next next week. OA pero ngayon pa lang iniisip ko na kung paano ko idedeliver ang ppt presentation ko. Isa kasi sa mga kahinaan ko ang magsalita sa harap ng madaming tao. Aminado ko dun. Feeling ko mamamatay ako pag tinawag na pangalan ko para humarap sa panel. Simpleng recitation nga ayokong makita ko ng teacher ko sa basic education ko. Kahit na alam ko ang tamang sagot, mainam na sakin na naiintindihan ko ang lesson at alam ng teacher ko na hindi ako “bubble brain” sa klase. Pero pagtungtong ko ng college sa 2nd course ko, business school, syettt iba na brad. Hindi siya tulad ng Nursing na okay na alam mo ang nalalaman mo kung bakit umuutot ang tao, o kung bakit may luha sa mata, o bakit lumalakas ang tibok ng puso natin kapag nakita natin si crush. Accounting na ang kinukuha ko ngayon. At sa kasalukuyan, 3rd year pa din ako. At ang paggawa ng business plan na mala-thesis ang dating ang isa sa pinakamasayang ngarag-moments ang maeexperience mo. Wala naman akong reklamo sa pagsusulat. I love to write. Pero sa katotohanang alam kong ang kasunod ng paper ko ay ang defense sa panel, gusto ko manghina.

Grammar? Sa tingin ko naman kahit papaano okay naman ako dun. Hindi ganun kaperpekto pero I know the basics. Ang malaking problema ko ay ang takot sa puso ko na baka wala ko masagot sa tanong ng panel. Pag nas harap na ko di ko alam kung maitatama ko pa grammar ko. Hindi lang naman yun, nahihiya din ako na baka mawalan ng saysay ang pagod, hira at puyat ko sa paper ko. Tapos ano? Nganga ko sa defense? Haha grabe Kaya ako bilib ako sa mga magagaling magsalita. Yung tipong sa sobrang galing nila kahit walang kalaman laman sinasabi nila syettt ang galing! Sana pala Oral Presentation club sinalihan ko ng High School at hindi HeART club at Etiquette club. Hindi ko din naman kasi inisip noon na mapapadpad ako dito. Tahimik na buhay ko sa paganalysa sa kung anong nangyayare sa Potassium sa katawan kapag nasasaktan tayo. Kung paano nakakarating sa cute na brains natin ang mga nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan at nararamdaman natin. Napicture ko sarili ko nun na isang araw magiging Pathologist ako. Pero binago yun ng panahon at pagkakataon. At sa ngayon kailangan kong harapin ang katotohanang.. Papalapit na ng papalapit ang araw na kailangan kong magpanggap na hindi ako natatakot magsalita. Na kunware hindi ko naririnig ang tibok ng heart ko. Na kunware wala ko nararamdaman. Na kunware okay lang lahat. Na kunware okay lang ako..kahit durog na durog na ko.

Luh. 3 times