C8H11NO2+C10H12N2O+C43H66N12O12S2

 

sunnflowers

 

|Image Source: Google|

 

“C8H11NO2+C10H12N2O+C43H66N12O12S2”

 

Sa taludtod ng aking mga tula

Na walang sawang umiintindi ng aking mga salita

Na minsan kahit hindi na maintindihan

Na minsan parang naglalakad sa kawalan

Taludtod ko, ikaw ay patuloy na yayakapin

At hindi magsasawang sabihin

Na ika’y mahal at di mapapagod mahalin

Dahil sa malungkot na kalangitan, ikaw ang mga bituin

Sa taludtod ng aking mga tula

Ikaw ang “A” hanggang “Ya” sa aking Abakada

Ikaw na mga letra na naglalaro sa aking isipan

Parang isang talata na nanggagaling sa kalawakan

Madalas ikaw ay isang pangungusap

Minsan naman ay isang tanong, isang palaisipan

Na nagiging numero..

Parang mga petsa sa bawat linggo

Parang mga buwan na nagdadaan sa kalendaryo

Sa taludtod ng aking mga tula

Bago ko ipikit ang aking mga mata

Nais sabihing mahal kita

Ipunin natin ang mga Enero hanggang pagtanda. πŸ™‚

-Ayy malandiii haha πŸ˜›

Tulog naaaaaaaaaaaaa ❀

Advertisements

Little things

Odd to think and I have to say I’d always wonder how little things could make us ponder.. then make us forget. Could keep us awake all night.. then sing us a lullaby in the morning. Could make our hearts pound so fast.. or it could make it stop.

Little things that could make people happy, feel loved and alive.

Little things that could make people sad, feel unloved and cry.

I guess that’s how magical little things work with our lives. It simply reminds us how vulnerable we are from things that make us human.. things that make us whole and empty.. sane and crazy.. things that give us happiness and pain.. memories and change..

But the most important is.. is the thought of having a strand of chance that things would work.. the thought that at the end of the day everything will be okay.

..the thought that little things will keep us going because it’s never a crime to feel in such way.

To one of my little things na busy-ing busy sa series niya. πŸ˜­πŸ˜‚πŸ˜‚ Kumain ka na ba? Wala ka na namang T-shirt!

Bati na tayo ha.

Huwag mong kakalimutan na mahal kita.

Madami.

Sobra.

πŸŽ„πŸ„πŸŽ†πŸ„πŸ’—πŸ„πŸ“šπŸ„β›ͺπŸ„πŸŒ»πŸ„…

 

“Ang Pag-ibig raw ay ang pagbibigay ng karapatan at kalayaan na saktan ka, pero tiwala kang hinding hindi niya sa’yo magagawa.”

 

 

31944762_1911661182406370_7063912469550333952_n

|MindCore|Source

 

 

Isa pa ring palaisipan sa isip kong magulo

Kung paano at bakit ako sumagot ng Oo

Kung paano at bakit hinayaang hawakan ang mga kamay ko

Isang palaisipang hahayaang sagutin ng panahon

Mga tanong at sagot na hinatid ng mga pagkakataon

Ikaw na taludtod ng aking mga tula

Hindi matatawaran ang paghintay ng labis at pagtugon sa mga tala

 

Naaalala mo pa ba?

Ang paghawak sa kamay dahil takot sa pagtawid ang aking mga paa

Na hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gustong makasama

Sa bawat pagbagtas ng mga puting linya, kahit ito’y kumupas pa

At sa pagsindi ng pulang ilaw, ay hudyat ng mahigpit na hawak sa kamay na lubos naΒ  nagtitiwala

 

Naaalala mo pa ba?

Ang malaking bilog na tila puno ng hagdan

Na kapag umikot, unti unti kang ilalapit sa kalangitan

Ako’y isang batang natupad ang munting hiling

Pero sa isipan ko’y, iyon ay gumitling

 

Naaalala mo pa ba?

Nang kamay ko’y hawakan, sa isang tahimik na hardin

At ang mga mata mong nagtatanong sa dilim

Kung ano, paano at saan patutungo

At ngiti lamang ang siyang naisagot

Katumbas ng isang Oo at ang patuloy na paghawak sa kamay

Patawid sa mga linyang samo’t sari ang taglay

 

Kaya huwag magtanong, mag-isip at mabigla

Kung bakit binabagtas ng mag-isa ang kahabaan ng Evangelista

Yun ay para simpleng ipaalala sa’yo

Ang ngiting isinagot na ang ibig sabihin ay Mahal Kita.

 

 

P.S.

Ang T-shirt mo po. Huwag kalimutan.

 

|9.8 m/s2|Vincent|

|Madami|

|Sobra|

 

Minsan mahuhuli mo na lang yung sarili mo na nakangiti, hindi dahil sa baliw ka, pero may mga bagay na kapag di na kaya ng diksyunaryo bigyan ng katumbas na salita, ngiti lang ang pwedeng magpaliwanag at magbigay ng kahulugan.

In short, kalandian. HahaΒ 

 

|…|

|9.8m/s2|Vincent|

|Madami.|

|Sobra.|

Helianthus: 9.81 m/s2

“You’re my answers to my shooting stars…”

IMG_20180212_064358_1

 

|You’re my unknown across the dawn|

|And a lingering scent through the wind |

|Then you’ve become my everyday|

|Like a warm sunshine, who touches my face|

|Your voice is an Ivy that whispers|

|Such an undying song I would remember|

|Then you’ve become my fortress and my Luna at night|

|Such a scribbled thought I tried to define|

|You might have been my unknown from afar|

|But I’m sure you‘re the answers to my shooting stars|

 

 

|9.81 m/s2|V|