Christmas Air

image

Ulit. Asan daw ung Christmas Air =))

Advertisements

No Title: Walang basagan ng feelings

image

Pangalawang tula. Tagalog. Para sayo. Para sa lahat. Para sa mga taong nasabihan ng paalam. Para sa mga taong malaya na sa salitang paalam.

(and it goes like this..)

Sa mga taong nakalipas
Muli kong sasariwain
Ang pangako mong binitawan
Sa isang sulok ng kawalan

Ang nakakahong kirot ng nakaraan
Waring pinapaalaala ang mumunting ligaya
Ng mga tala, buwan at ulan
Na minsang binuklod ng pitong tulay ng kalangitan

Nais kong gunitain ang saya
Kirot na nakakahon
Paalam, sapagkat ako’y malaya na

Kung masilayan man ang tulang ito
Isa lamang itong paggunita
Sa pangako mong nawaglit

Sa panaginip, ‘Mahal kita’ ang nasasambit
Pero alam kong sa pagdilat ng umaga
Sagot mong ‘Mahal din kita’
Hindi na para sa akin..
Ito’y para na sa kanya.

-Blog ko to. Walang basagan ng feelings.

Sulat

letter-thoughts

Image Source: perfectlyimperfectblog

Sulat.

Ang sulat ay parang mga salitang palutang lutang sa isip, at kapag nakuha na natin ang tamang pagkakataon at lakas ng loob para kumuha ng papel at bolpen para isulat ito, saka lamang ito magiging concrete. Not abstract anymore.

Pero hindi lahat ng sulat nakakarating sa ninanais na destinasyon nito. Yung iba nakalimutang ihulog, naihulog sa maling tao, o kaya andun.. andun lang sa cabinet. Nakatago.

Nakatago. Sulat na nakatago.

Hanggang sa mabasa ng ulan, hanggang sa mapunit na ng panahon at maging kulay brown.

Kailan mo pa ihuhulog yan sa Post Office? Kapag tuluyan ng mabura sa mundo ang salitang “sulat”. At mapalitan na ng text at pm sa FB.

Anong problema ko na naman? Wala. Wala kasi ako maisip na ipost ngayon. Hehe

Merry Christmas everyone! 🙂 Happy New Year!