Hiatus

IMG_20171004_084226_1_20140101083108947.jpg

 

|Credits|C.L.|A stranger|

It took me three months to finish what you’re seeing above. And don’t expect too much. Haha 😛 It was just a product of my sleepless nights or tiresome days. And it’s starting to stress me out because I can’t think of the stroke nor the color I would apply on the Moon and the space surrounding it.

Mali ba ko ng concept?

Magulo lang ba talaga ko mag-isip?

Or walang kwenta lang talaga yung kinulayan ko. Haha

O sadyang walang pwedeng magpuno ng nararamdaman ko.. habang iginuguhit ko ‘to.

Hiatus.

A very interesting word.

Break.

Parang yung panahon na kinain mo yung cupcake na pinadala ng nanay mo para sa recess time niyo sa school.

Walang masyadong espesyal na handog ang post na ‘to.

Isa lamang ‘tong pagkilala sa salitang hiatus na nagsasabing hindi masamang magpahinga.

Lalo na kung pagod ka na.

(Kasi nasira ang dryer niyo at nagkataong ikaw yung nakatokang maglaba.)

Gumana ka na po. 😦 HAHA

Utang na le-erb.

Advertisements

Kwentong Kamay

“Ang kamay na bumitaw sa’yo ay hindi makakawala kung hawak hawak pa rin ‘to ng kamay mo..”

Hugot. Oo na sige na. Pero may tama naman sa sinabi ko..haha (ipush ko pa opinion ko)

Sino bang gustong bitawan? Sino bang gustong iwanan? Sino bang gustong masaktan? Kung meron man, siya yung totoong bato, hindi ako. Haha syempre wala! Walang may gustong umiyak habang nasa jeep. Umiyak sa library o opisina ng patago. Umiyak sa banyo bago maligo. Umiyak sa gabi na parang wala ng sisikat na araw kinabukasan. Wala talaga. Wala.

Pero kailan ba tayo nasasaktan? Kapag nasugatan? Kapag nawalan? Kapag iniwanan?

Maraming tanong. Maraming lumalarong tanong sa isipan. Pero sana huwag mong kalimutan, na habang hinahanap mo ang mga sagot sa tanong mo, pilit niya ring sinasagutan ang isang malaking palaisipan, na parang walang katapusan.

Sabi nga, ang kamay na hinampas mo sa pader, kahit gaano katigas ‘to, parehas lang din kayong naramdaman, kahit mukhang wala siyang pakialam.

Siguro, sa lahat din naman ng bagay dalawang panig ang sangkot. Hindi lang isa, dalawa. Minsan nga tatlo o higit pa. Hindi lang ikaw, pati rin naman siya.

Parehas may rason at dahilan. Parehas may pinanghuhugutan. Parehas may pinanggagalingan. Parang itim at puti. Yin at Yan. (tama ba) Kutsara at tinidor. Balde at tabo. Kanin at ulam. Papel at pluma. Po at Opo.

Kaya sa dalawang kamay na minsang mahigpit na nakahawak sa isa’t isa, dumarating sa puntong meron at merong mapapagod. Napapagod at bumibitaw. Bumitaw siya, eh ikaw, hinawakan mo pa rin ba? O sadyang ikaw din bumitaw na.

Dahil ang kamay na bumitaw sa’yo ay hindi makakawala kung hawak hawak pa rin ‘to ng kamay mo..

Pero ganun talaga. Masakit. Kaya minsan mapapamura ka nalang sa sakit. Hanggang sa humugot ka nalang kahit ang bitter ng pakinggan. Pero ang mahalaga dun, ginawa mo ang lahat para kumapit. Kumapit ka parin na para kang nakikisabit sa jeep, kahit nakakapagod na, kahit mukha ka ng tanga sa mata ng iba. Para sa oras na dumating sa puntong bababa ka na, handa ka ng isigaw:

“Manong drayber, Para!”

Hindi dahil sa pagod ka na. Kundi dahil alam mo sa sarili mong:

“Eto na ‘to, Tama na. P*%@#!&@!”

Oh, ako na naman yung bitter. Haha hindi ba pwedeng hugot para sa ibang taong nasaktan? 😛

Osya, pagaling na kayo! Kaya niyo yan. 🙂