No title, just me and such tampururottt!!!

ee

Minsan, di mo maiwasang magtampo. Kahit sa pinakamaliit na bagay. Kahit kasing liit pa yan ng atom sa paningin ng iba, kapag may kumirot sa parteng kaliwang dibdib mo, tampo pa din yun!

Pero kahit gaano kalaki ang imapct sayo ng emosyon na yun, minsan wala kang karapatang iburo ang nararamdaman mo. Dahil kahit mamataymatay ka na sa tampo, kung wala namang pakialam ang taong yun sayo, wala..WALA RING KWENTA!!! WALAAAAAAA!!!!!!!!

hahahaha

Kaya kung nagtatampo ka, ipaalam mo. Kasi hindi sa lahat ng oras may tinatawag na read-between-the-lines. Minsan mahalaga din ang tinatawag na mahinahong pagtatanong at syempre ang mahinahong pagsagot. Wag mo kong babanatan ng some-things-are-better-left-unsaid dahil gawain ko yan. At isa yun sa mga bagay na ayoko sa sarili ko. May mga bagay kasi na pinaniniwalaan kong hindi na para pa ipaliwanag, lalo na kung alam ko at ramdam kong ang taong iyon eh di rin naman makikinig. Dahil mahalaga sa akin ang pakikinig. At nakakatampo lang talaga. Pero ayoko nalang iexplain. Ibubuntong ko nalang ang emosyon ko sa Chuckie na hindi nadala ng Nanay ko.

Emotional ako, okay lang? :)) :/

Nanayt! 😀