Kailan?

Kailan titila ang pagbuhos ng ulan
Na akala mo’y wala ng mapaglagyan

Kailan mahahawi ang kalangitan
Para dumungaw ang araw, at ngiti’y muling masilayan

Kailan guguhit ang pitong tulay ng kalangitan
Na siyang kukulay sa magulong kaisipan

Kailan, kailan..
Kailan muling guguhit
Ang mga ngiting hindi umiimik

Kailan, kailan..
Kailan titila ang malakas na pagbuhos
Ang pusong nadurog na ng lubos

Kailan, kailan..
Kailan masasagot ang mga katanungan
Mga bagay na pilit pinahahalagahan
Unti unti nang nabubura ng tubig ulan

Tama na, pagod na pagod na
Wala ka bang balak magpahinga?

Kailan, kailan
Kailan titila ang napakalakas na ulan
Para muling umukit ng bahaghari na animo’y walang katapusan

(Yung body clock ko po ay wala na sa matinong kalagayan..parang yung isip kong lumilipad patungo sa nakaraan at pilit gumigising para sa kasalukuyan.. At para paghandaan ang kinabukusan.)

Advertisements

No title, just me and this shitty accounting feeling

ACCOUNTING KA BA?

—-

Dahil kahit pinahihirapan mo ang damdamin ko, syeettttt, miss na kitaaaaaaa

-_- haha Nakakamiss nomon. the puyatan part, the magulo part, at syempre the kopyahan part.

(Bakit pag wala ko pasok, lagi mo ko pinaglilinis Ma? :c asan si Aling Purita haha charot lublub :* )

Crazy Week

image

7 down, 2 more to go. Thank you Lord. Andun na naman yung exam-week-mamamatay-na-ko feeling. Ganito nalang lagi kapag may major examination. Hindi ba pwedeng exam-week-may-extra-allowance-ka feeling para naman macompensate yung paghihirap ko. Sabay tag ko ‘to sa magulang ko hahahahaha jk. Wala silang social net, thank you Lord. *Sabay echo ng: Pano yung paghihirap nila?*

Wala. Balik nalang ako sa exam-week-mamamatay-na-ko feeling. -_-

basta… Cost nalang wooooooooooooooooooo 🙂