Kailan?

Kailan titila ang pagbuhos ng ulan
Na akala mo’y wala ng mapaglagyan

Kailan mahahawi ang kalangitan
Para dumungaw ang araw, at ngiti’y muling masilayan

Kailan guguhit ang pitong tulay ng kalangitan
Na siyang kukulay sa magulong kaisipan

Kailan, kailan..
Kailan muling guguhit
Ang mga ngiting hindi umiimik

Kailan, kailan..
Kailan titila ang malakas na pagbuhos
Ang pusong nadurog na ng lubos

Kailan, kailan..
Kailan masasagot ang mga katanungan
Mga bagay na pilit pinahahalagahan
Unti unti nang nabubura ng tubig ulan

Tama na, pagod na pagod na
Wala ka bang balak magpahinga?

Kailan, kailan
Kailan titila ang napakalakas na ulan
Para muling umukit ng bahaghari na animo’y walang katapusan

(Yung body clock ko po ay wala na sa matinong kalagayan..parang yung isip kong lumilipad patungo sa nakaraan at pilit gumigising para sa kasalukuyan.. At para paghandaan ang kinabukusan.)

The Choice: Do you regret it?

rose

|Motion Loop|YouTube-Google|

“If not, then the pain you’ve felt was all worth it.”

I just finished watching it on that hard, black, and cold idiot box. I had to search for the part where in the lady broke the engagement with her fiance (because my lovely mother called me to get some wet clothes and get it dry. Very lovely. )

The Choice.

That was the title.

Let’s just say it wasn’t the best movie. (in my perspective of  what is best)

But it was a great movie showing and defining what CHOICE is.

Salute to that.

I personally care for the word “choice”.A lot of us get sweaty whenever caught in a situation full of bulls. And an imaginary mediator becomes more aggressive and persistent on you in making the decision as you try to think harder. (I don’t know why I used the term mediator. Maybe because it has something to do with an argument between the options you have and the consequences it entail. Just hell you know. And a nonexistent peacemaker will do. At least. To make your decisions easier. Nahhh.)

I have great experiences about it. Making choices.

It taught me how to be a human. It showed me consequences. Or as to what the movie said.. the word “opportunity”.

It will take a million breath-taking leap to decide whether you wanna let go on something, or hold on it as much as you could.

Sometimes we just let the wind do the decision making. Or we just let it be. Because we’re lost. We are lost completely.

In nowhere? tss it just needs some time. And you’ll be able to determine the right choice. After all, it’s your life at stake.

Or maybe, you randomly chose and then after what you’ve chosen..you just endure the pain. Believing that it will all go away after a century.

It will. Believe me it will. Somewhere after the long pain.

There’s these “that was fun and sad” moments.

But the question is ..

Do you regret it?

If you do, then start questioning yourself: Why did you do it?

If not, then the pain you’ve felt was all worth it. 🙂 

 

 

Kwentong Pag-ibig: Love is blind, deaf, mute, numb, colorful, great… Lahat na, P*%@&?!@!!!

“Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

February na naman! Hello sa mga may jowa, kunware may jowa, nangangarap magkajowa, at syempre sa mga nawalan ng jowa, mawawalan ng jowa at higit sa lahat.. Yung walang jowa! 🙂

(the term** haha!)

¤¤LOVE IS BLIND¤¤

Madalas kong marinig, makita ang mga katagang ito. Bulag nga ba ang Pag-ibig? Yung tipong nagkaroon na ng union ang pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo, kulang na lang isali ng nanay mo si Kapitan Tiyago sa samahan nila para lang ipamukha sayo na hindi siya karapatdapat para sayo. Kasi daw oso sya. (Bakit, cute naman yung oso ah?) Pero hindi kasi yun. Kahit anong sabihin nila, alam kong ang bawat isa ay may kanya kanyang sagot sa katanungang “BAKIT SIYA?”. At walang taong pwedeng magdikta kung sino ang bibigyan mo ng matamis na Oo or kung sinong liligawan/mamahalin mo.

¤¤LOVE IS DEAF¤¤

Bingi raw ang Pag-ibig. Kasi kahit anong sigaw mo, minsan hindi ka marinig. Hindi ka na niya naririnig..

“Punta ko ng Wonderland.”

“Ingat ka.”

“Ano?! The line is breaking. I’m with girls. Ano ulit?!”

“T*ngina! Mahal kita!”

“Mahal din kita.”

“Ano?! I’m with someone. Low batt na ko. Bye! ”

¤¤LOVE IS MUTE.¤¤

Yung tipong gusto mong ipagsigawang importante ‘tong tao sayo. Taong may espesyal na space. Pero nautot ka nalang sa katatago ng feelings mo. Kasi nga, Love is Mute. So kapag nagsama si Love is Deaf at Love is Mute.. Wala na. Wala ng pag-asa. (Ooops! Meron pa! Huwag kang bitter. Haha Habang nabubuhay, may pag-asa. 🙂 )

¤¤LOVE IS NUMB.¤¤

Ayan naaa. Manhid ka. MANHID KA!!! Hahahaha blog ko ‘to. :p

Sa lahat ng may minamahal, na kulang nalang gumulong ka ng isang daang beses sa harapan niya, kulang nalang ibigay mo yung Jupiter sa kanya, kulang na lang ibigay mo na yung ngipin mo para punan ang ngiti niya, kulang nalang.. kulang. T*ngina! Parang kulang pa rin. Hindi ka pa rin niya maramdaman. Ang tanong, MAHAL KA BA NIYA?

Tandaan. Sabi nga nila..

I LOVE YOU is not a question. It’s a statement. And it’s not meant to be answered.

Maybe it’s just meant to be felt.

BLIND. DEAF. MUTE. NUMB.

Maglilipana na naman ang kakornihan ng buong sanlibutan sa darating na Valentine’s Day. Pero kahit anong gawin mo, kahit anong pigil mo.. Ang araw na ito ay dadaan sa kalendaryo para ipaalala ang nakasanayang kahulugan ng araw na ito, Araw ng mga Puso. Puso na sumisimbolo sa Pag-ibig.

Isang salitang nagbibigay kulay sa buhay ng mga tao. Isang bagay na nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay may pagkukulang. Na tayo ay may nakalaang espasyo para masabi nating, may mga bagay na hindi natin nakikita.. Sigaw na hindi naririnig.. Mga salitang hindi masabi.. At mga bagay na hindi natin maramdaman.

Pero hindi ibig sabihin nito na tayo ay punong puno ng pagkukulang. Isa lamang itong patunay na ang Pag-ibig ang pinakamagandang bagay sa mundo na pinagsasaluhan ng dalawang taong pawang may kapansanan ngunit hinding hindi ito magiging isang hadlang..

Dahil ang Pag-ibig ay masasabi kong isang napakagandang pagkukulang na masarap kulayan at nakatadhanang punan.”

-HAPPY VALENTIMES DAY! Haha Ay Valentine’s pala. 🙂 ❤ ❤ ❤ Ang araw na 'to ay para sa lahat. Para sa lahat ng taong may puso at nagmamahal. ❤

Corny. Haha

(SHOUT OUT nga pala sa kaibigan kong magbibirthday ngayong February 14! Huwag ka nang magtampo sa akin. Huhu Love pa rin kita kahit binubully mo ko. Kasi, may kapansanan ako. At isa ka sa pumupuno nun. 🙂 Hello sa inaanak kong pogi!)

¤¤¤Syeettt! Paano nga ba ulit magmahal? 😀 😛 🙂 ❤ …¤¤¤

Kwentong Pancit Canton: Isang seryosong panawagan

“Lumaki na siya. Iba na. Iba na ang lasa.”

 

Habang mahimbing na natutulog ang nanay kong kulot, tatay kong panot at pamangin kong mataba (haha) kasalukuyan kong hinihintay maluto ang Pancit Canton na nakuha ko mula sa raffle sa opisina. Lumaki na siya. Iba na.

 

Iba na ang lasa.

 

Isa ‘kong fan ng Pancit Canton. Halos lahat ata ng flavor nakain ko na. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ang Calamansi.Ito ang kinakain ko sa tuwing wala akong kasama sa bahay. (Hindi kasi ako marunong magluto.) Ito  ang tumawid ng puyat-days ko nung Nursing student pa ‘ko. Ito rin ang nagtaguyod ng pagsusunog ko ng kilay nung nag-aaral ako ng Accounting sa college. Ito rin siguro yung naging panawid gutom naming magkakaibigan sa tuwing pupunta kami sa mga bahay bahay ng bawat isa lalo na pag may school projects. At higit sa lahat, eto ang kinakain ko ngayon.

 

Malaki na ang packaging nito. Mas mataba ang mga noodles. Nung una ko ‘to makita sa tindahan, feeling ko lumaki din mata ko. Kasi yung dating tasa na pinaghahainan ko ng Pancit Canton, naisip kong mapupuno ko na siya!!!! Naexcite ako. Sobra.

 

Pero parang nag-iba yung lasa. Hindi ko po alam kung kulang yung sahog o masyadong marami at mataba yung noodles kayo hindi kinaya ng sauce.

 

Ganun pa man, kung mababasa niyo po ‘to, mahal ko pa rin ang Pancit Canton. Kahit nag-iba na ang lasa. Medyo nasaktan lang ako. Eh kung ibang noodles yan, ano bang pakialam ko. Hindi ko naman kinakain yun. (Pero nakain naman ako ng Yakisoba minsan.) Kaso hindi ko lang inexpect na manggagaling sa inyo na mabago ang lasa. Walang kwenta o madrama man ‘to, pero ang noodles na ‘to ay isa sa bumuo ng aking pagkatao. Kasi dito ko mas nakilala ang mga kaibigan kong baliw, dito ko natutunan na kahit gabi na, may karapatan kang gumising at kumain, na kahit anong anghang ng Pancit Canton, eh dahil sa gusto mo, kakainin mo pa rin hanggang sa mabusog ka.

 

Siguro sa ngayon, sisimulan ko ng sanayin ang sarili ko. Na kahit pala Pancit Canton na iyong nakasanayan mula pagkabata.. pwede pa lang mawala.

 

-burrrpppp! Nabusog ako. 🙂