C8H11NO2+C10H12N2O+C43H66N12O12S2

 

sunnflowers

 

|Image Source: Google|

 

“C8H11NO2+C10H12N2O+C43H66N12O12S2”

 

Sa taludtod ng aking mga tula

Na walang sawang umiintindi ng aking mga salita

Na minsan kahit hindi na maintindihan

Na minsan parang naglalakad sa kawalan

Taludtod ko, ikaw ay patuloy na yayakapin

At hindi magsasawang sabihin

Na ika’y mahal at di mapapagod mahalin

Dahil sa malungkot na kalangitan, ikaw ang mga bituin

Sa taludtod ng aking mga tula

Ikaw ang “A” hanggang “Ya” sa aking Abakada

Ikaw na mga letra na naglalaro sa aking isipan

Parang isang talata na nanggagaling sa kalawakan

Madalas ikaw ay isang pangungusap

Minsan naman ay isang tanong, isang palaisipan

Na nagiging numero..

Parang mga petsa sa bawat linggo

Parang mga buwan na nagdadaan sa kalendaryo

Sa taludtod ng aking mga tula

Bago ko ipikit ang aking mga mata

Nais sabihing mahal kita

Ipunin natin ang mga Enero hanggang pagtanda. 🙂

-Ayy malandiii haha 😛

Tulog naaaaaaaaaaaaa ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s