Kwentong Uod

Bago ko simulan ang entry na’to, may utak nga ba ang uod? (Salamat po sa mag-eexplain)

Kagabi habang may ginagawa akong thesis, may nareceive akong tawag. Hindi ko sinagot. Sabi ko, text nalang kasi gumagawa ako ng thesis. At sa flow ng usapan namin, halos di ko na din lang magawa ang ginagawa ko sa screen kaya nagdesisyon akong ifocus yung isip ko sa pinaguusapan namin. Medyo confidential, pero sabihin na nating isa to pinakamaling gagawin ng tao sa buhay niya. Ayoko ngang gamitin ang “pinakamali”..mas gusto kong gamitin ang “pinakatanga” na gagawin ng matinong utak.

“Tumigil ka. Tangina mo!! Utak uod ka talaga!”

Di ko alam kung masasaktan o kung ano mararamdaman ng kausap ko. Wala akong pakialam nung mga oras na yun. Ang alam ko lang kailangan nyang marinig yun. Dirty mouth. Sorry brad. Pero hindi ko hahayaang gawin mo ang isang bagay na hindi para sayo.

Marami namang pwedeng gawin bukod doon. Mamalantsa ka, gusutin mo tapos plantsahin mo ulit. Manood ng sine hanggang mamutla mga mata mo. Isurprise mo si Tita araw araw. Maghabulan kayo ng mga aso mo, o ipahabol mo ang mga dumadaan sa aso (wag, nakakatakot.) bigyan mo ng matinding award ang supervisor mong panot, o kaya ang walang kamatayang paghihiwalay sa 3-in-1 na kape.

Marami. Marami kang pwedeng gawin bukod dyan sa stupid mong idea. Oo, kuha ko yang thrill na sinasabi mo. But you’re kissing the devil.

Marami man akong maling desisyon.. Pero sa pagkakataong ‘to.. Alam kong tama ‘to.

Huwag mo na ulit gagawin yun. Please. Hindi dahil ayokong magpuyat just to get you into your human senses. Dahil kahit abutin tayo ng 48 hours, maabsorb lang ng isip mo na mali yang ginagawa mo, I doubt kung sino mauunang makatulog. Believe me. I don’t give up on people that easily.. Unless..

Haha ikaw pa ba brad pinaguusapan natin dito?

-You’re one of my good friends. You’re one of the best person I have. And I can’t lose you over that stupid idea. I had to say all that ugly stuff. I’m sorry. 😐

Advertisements

6 thoughts on “Kwentong Uod

  1. Mas mabuti nang sinabi mo na ganun kaysa mag white lies ka pa. Mas okay na yung sinasabi ng diretso at totoo. Mabuti kang kaibigan.

    Meron kasi ibang tao, hindi nila madiretso kaya akala nila tama parin ginagawa nila.

  2. *liked* (hindi ko mapindot yung star button :c)

    thanks Unje! ΓΌ

    Naisip ko.. Pano kung tulog na ko kagabi. Pano kung tapos na yung thesis ko. Pano kung di ko narinig tawag nya.. Pano kung tuluyan syang naging utak uod kagabi.. Sino magsasabing hindi tama yung gagawin nya. Hindi ko man ganun maexplain yung eksaktong detalye, pero yung naramdaman ko gusto kong lumipad hanggang sa susunod na Rehiyon para manampal lang ng kaibigan. Tapos balik na ulit ako sa bahay Haha syett ganun yung feeling 😦

    • Hahaha I think not finishing your thesis has a reason. Mas importante na makatulong parin sa buhay nila aside from tapusin kung ano man ginagawa mo as of that moment. Mabuti ka talagang kaibigan. Masakripisyo.

      Ang lalim ng pinanggalingan ng comment ko na ito hahaha

      Dito lang ako if you need any advice and vice versa! πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s