Kwentong Manok at Paminta

“Dahil hinding hindi ko bibitawan ang isang bagay na mahalaga, hangga’t kaya ko pa..kahit nakakasakit na.”

Sabi ng Nanay kong kulot kanina, “Talaga bang maputla na ang manok bago mo bitawan?? Maglilinis ka lang nyan sobrang tagal.”

Ngumiti lang ako. Pero sa isip ko..

“Ma, gusto nyo po ba talagang sagutin ko yan?”

Kapag bumili ka ng manok at pinahati mo, tiyak! Makikita mo ang dugo. At ayokong may dugo ang kakainin kong manok. Mahalaga yun para sa akin. Kaya kapag ako naghugas nyan, asahan mong mamumutla yan. Kahit masugatan man ang kamay ko (sa isda), hindi pwedeng may matirang dugo. Dahil alam kong kapag hindi ko ginawa ang lahat, pagsisihan ko sa huli. NAAA MAY DUGO YUNG PAGKAIN KOOOOO…

Dahil hinding hindi ko bibitawan ang isang bagay na mahalaga, hangga’t kaya ko pa..kahit nakakasakit na. Bibitawan ko lang yan kapag ramdam kong mas kailangan nya ang iba..na mas kailangan niya ang iba. PARA MAS MALINIS YUNG MANOK/ISDA.

Eh asan yung kwento ng paminta??

Pagkatapos kong bumili ng manok, bumili ako ng paminta. Nabahala ako at hanggang ngayon nasa isip ko ang nagbigay sakin ng paminta. Tinanong nya kasi sa kasamahan niya kung 1/8 na daw ba yung pamintang nilagay niya sa kilo-han. Nalungkot ako… 😦 at hanggang ngayon dinudurog ako ng narinig ko.

-Hayyy.. Ang sakit ng katawan ko. Nagbadminton po kasi ako nung isang araw.. Ang last kong exercise bukod sa paglalakad, eh nung New Year pa. Napaka-sporty ko pa naman. Haha

Good night! 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s