No title, just me and Optimus Prime

Sobrang aga ko. Sa sobrang aga ko meron pa kong 1 and 1/2 hour para mabato. Naisipan kong dumaan sa panaderya na madalas naming tambayan ni Camille kapag exams. Dito kami nagrereview. May kape. Masarap ang mga tinapay dito. At higit sa lahat tahimik. Walang ingay kasi linggo. Hindi ganun kaliwanag dahil bukod dito, iilang stall lang ang bukas. At nakakaaliw pagmasdan ang mga ginuhit ng mga paslit na nakadikit sa pader ng gusaling ‘to. Makulay. Masaya. Walang malungkot na drawing. Pero pagdating sa hilera ng pictures ng mga professional photographer.. Elegante. Black and white. Maganda. Ang totoo nyan, simple pero ang angas ng mga anggulong makikita mo na di mo aakalaing dinadaanan lang ng mga tao. Pero compared sa art ng mga bata. Madilim. At malungkot ang mga litratong ‘to. (Opinyon lang naman.)

—-

-ang aga ko. May isang oras pa ko para maging isip bata, isipin kung ano lang ang gusto kong isipin..dahil pagpatak ng log-in, kailangan kong magtransform at maging isang babaeng nag-aaral at nagtatrabaho. At pagdating ng log-out.. Kailangan ko ulit itransform ang sarili ko na maging isang anak at ate. Ang totoo nyan, ako si Optimus Prime. Hahaha

-hanggang ngayon, marunong ka pa din makinig. Salamat. At palagi kang may karagdagang oras para sakin. Kahit ang layo layo layo layo mo.. Ramdam kitang nasa tabi ko. Nakakaiyaaaaaak 😥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s