PinoyEh: Mga Iba’t ibang Uri Ng Tsismosa

“Life is a matter of respect to every single soul.”

My blog doesn’t deserve horrible stuff..but I feel uncomfortable to tell my concerns to anybody. It’s not that I don’t trust anyone, but yeah maybe. But it’s more like—- if I do that, I’m gonna be doing THAT horrible thing too, which—- I don’t want to. But let me tell it to the world.

Mga Iba’t Ibang Uri ng Tsismosa

  • Chismosang Pang Long Distance 

Yung tipong hindi lang pang 25-radius, aabot ng 99-radius ang kaya niyang isagap na tsismis. Eh kung kinimkim mo nalang kaya yan sa bibig mo, ay “bunganga” mo pala. Iba kasi ang bibig brad. Ang bibig para sa tao, ang bunganga para sa hayop.

  • Chismosang Issue-sera

Ay eto. Ibang klase ‘to brad. Kung baga sa drink mo sa fast food na a-Upgrade niya ang kwento. Kung baga sa studyante, may “improvement”, kung baga sa gas may “price-hike”, kung baga sa Zagu may “add-ons”. Galing ah, maging author ka kaya. May chance ang future mo. May future ka pero wala ka ng pag-asa kasi tsismosa ka.

  • Chismosang Padeep slash pang-Pageant

Hindi ‘to yung Emo na tsismosa ah. Eto yung uri ng tsismosa na pailalim kung tumira.Padeep. Yung tipong kikilalanin ang isang nilalang, and then fishing some stories and asking questions like what the fuck?? May kaibigan ka pa ba sa lagay na yan?? Meron? Asan? ASAAAAAAANNNNNNN?

  • Chismosang Bad Breath

*takip ilong* Pasensya ah. May ibabango pa ba ang bibig mo kung pati buhay ng kapitbahay ni Mang Tasyo na kapatid ni Aling Maring na anak ni Ka-Celso na may anak na ang pangalan ay Kanor ay naibahagi mo na sa ibang tao na wala namang kinalaman kung bakit siya kumakain ng saging sa bintana nila, eh pati yun ikukwento mo sa iba. I don’t get the fucking point. It’s pointless, it’s rude, it’s nonsense. Parang itong post na ‘to. Pinaka walang kwentang post ko ‘to sa halos limang taon ko sa mundo ng blog. I feel sorry for myself. Like why am I doing this. Maybe because it is a sad story..a sad reality that type of people like this really do exist.

  • Chismosang Electronic

Ah eto.. pang new millennium ‘to. Di na nagkasya sa panlilibak gamit ang bibig, pati ba naman ate sa facebook, twitter at kung saan saan , kung asaan ang kumpulan ng chika andun ka din? Di na ko magtataka kung magkitakita kayo. Meeting place niyo saan? Para naman maiwasan namin ang mapadaan. Nakakahiya naman sa libangan niyo. Try niyo kaya paghiwalayin ang 3-in-1 na kape nang maiba naman ang trip niyo.

  • Chismosang Praning

Haha gusto ko muna tumawa. Eto yung tipo ng tsismosa na napapraning kasi akala niya siya yung pinaguusapan. Weird di ba? Igaya mo pa kami sayo. Wala kaming panahon para pag-usapan ang katulad mong mabaho ang bibig at nakakasulasok na takbo ng utak.

—–

Life is a matter of respect to every single soul. Kahit hindi mo na isipin na respeto ‘to sa ibang tao ang pigilan ang bibig mo na ikwento ang isang personal na bagay, brad respeto na lang sa sarili mo pwede? Ano ba naman yung pati kamalian ng iba gagawin mo pang issue, ikaw wala kang mali? Ayos ah. Talino mo. Ano ba naman yung itikom mo ang bibig mo para sa kapakanan ng sanlibutan??HINDI KO MAKUHA AT HINDING HINDI KO MAKUKUHA ANG POINT NA PATI MATANDA… BRAD MATANDA AS IN PABALIK NA YAN..MILYA MILYA NA ANG LAYO NG EDAD SA INYO NAKUHA NIYO PANG BASTUSIN. Nanay pa man din.

Sorry pero YOU GUYS ARE THE SICKEST FUCKING BULLSHITS I’VE EVER SEEN IN MY ENTIRE EXISTENCE. 

——————————————————————————————————————————–

At masarap pa din talaga ang Chuckie. 🙂

Well, that’s life. Move on Ge. Yan, hilig mo mag-observe kung ano ano tuloy napapansin mo. Kimkimin ko nalang. Nakakahiya naman sa inyoooooo. :))

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s