2015 Bucket List: “Kaya kong pigilan ang sarili ko, kahit hirap na hirap na ko.”

image

2014 had surely brought us different phases in our lives. And 2015 has a lot to offer ahead of us. We just have to know our horizon.

Siguro yung T-shirt mo na puti nung 2013, eh binago na ng 2014 at ginawang makulay na damit ang naging taste mo. Which is okay lang naman. Change is good. Naniniwala ako dun. At kahit ayokong paniwalaan.. ang pagbabago ay sadyang nangyayari at mangyayari. Hindi ito mapipigilan ng kaartehan mong sagad sa buto o ng kalyo mo sa mukha. At dahil bente tres anyos na ko, panahon na siguro para matuto ko magbike.

Anong meron sa 2015 Bucket List ko:

1. MAGBIKE. Utang na loob. Nananawagan po ako sa lahat ng nilalang sa mundo na sana’y matulungan niyo ko sa pangarap ko.

“Wala na kong pakialam kung masugatan man o masaktan, pero gusto ko talagang subukan.”

2. FERRIS WHEEL. Utang na loob Part 2. Sabi ko sa sarili ko, sa unang sahod na makukuha ko sa pinili kong propesyon sa ngayon, sasakay ako ng Ferris wheel. Sabi ng iba nakakatakot kapag nakasakay ka na pero gusto ko pa din itry.

“Dahil pano ko malalamang totoo ang sinasabi nila, kung di ko itatry, diba?”

3. MAGPAHABA NG KUKO SA KAMAY. At lagyan ng nail polish. Siguro dahil sa dati akong nursing student kaya nasanay ako na pudpod at walang kulay ang kuko ko sa kamay. Pero kasi talaga pagnakakakita ako ng mahabang kuko tapos may kung anong itim na nakasuot sa dulo tapos sabay kain ng Piattos. Yum diba?

“Pero susubukan ko pa din. I mean gagawin ko hindi para lang subukan kundi dahil gusto ko.”

4. HUWAG MANGULIT. Makulit ako. Minsan nga kahit hindi sabihin ng katabi ko sa klasrum, ramdam ko yung nakatagong kunot sa noo niya. Haha Sorry brad.

“Hindi mo ba naisip na nagtitiwala ako sa sasabihin mo? Kaya kahit napakadaming tao sa mundo, sayo ko pinagkatiwala ang mga tanong ko.” (Lusot ba waaa)

5. 1 AND 1/2 RICE. Matakaw ako. Pero ang gagawin kong to ay hindi isang uri ng pagdadiet.

“Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na alam ko kung kelan sumusobra na.”

6. YELLOW PAD. Hindi naman ako magastos sa papel. Sa used bond paper ako nagsusulat ng reviewer. Pero pansin kong madalas wala kong nadudukot na yellow pad sa bag. Kaya sisikapin kong mapanatiling may papel ang envelope ko o di ko makalimutang dalhin ang lalagyan mismo.

“Pero hindi ko nakalimutan, sadyang wala na talagang laman.”

7. NO CHUCKIE FOR A MONTH. Kasali na talaga sa sistema ko ang paginom ng Chuckie lalo na kapag nasistress na ko sa mga nangyayari sa mundo. Kung baga ito yung sandalan ko kapag pagod na isip. Well, chocolates stimulate our mind and body. Pero naisip kong huwag gawin ang isa sa mga nakasanayan. Dahil kahit nagagawa ko ang ilan sa gusto ko

“Kaya kong pigilan ang sarili ko, kahit hirap na hirap na ko.”

HALF OF MY LIST IS DONE. =) Still thinking of the other half. 

Advertisements

2 thoughts on “2015 Bucket List: “Kaya kong pigilan ang sarili ko, kahit hirap na hirap na ko.”

  1. No. 3 HAHAHA. relate, marami akong nakikitang ganyan, pampasarap daw :)) yep, medyo mahirap matuto ng mag bike sa una. Ilang beses ako nadapa, nakabangga at kung ano-ano pa bago ma-master pero it’s worth it pati na ren yung ferris wheel. :))

    this made me smile ulit 🙂 THANK YOU! THANK YOU!! :DD ❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s