KatiMuch

Habang nasa nakaw na lunch kami ng dalawa kong kaibigan, nabanggit nung isa na bakit daw di niya magawang mapagsabay ang paglandi given na ang layo ng girlfriend niya na nasa kabilang parte ng earth. Haha Siguro naiisip din ng loko. Pero kasi sa isang makatotohanang banda, oo nga naman. Nasa kanya lahat ng pagkakataon. Nasabi ko nalang, baka kulang ka sa training. Pero huwag mong gagawin yun brad. Well, walang dapat ikabahala si girlfriend kasi matino yung kaibigan namin na yun.

Napaisip na naman tuloy ako..kung papano namamanage ng iba ang kakatihan nila. Yung tipong, magkamatayan-na-makamot-ko-lang-ang-kating-to management style. Pero mahirap din yung ginagawa nila ah. Kailangan nila ng matinding time-management, tamang timing at diskarte, at matinding palusot kapag nagkahulihan na.

So bilang isang girlfriend/boyfriend, sikapin mong huwag gumawa ng mga bagay na ikasisira ng relasyon niyo. Bakit? Di ba kayang pigilan yang kating mas matindi pa sa hadhad at alipunga mo sa katawan? Huwag mong sasabihing hindi, tapos yung mukha mo halos kawangis na ng kalandian mo dahil nagkapalit na kayo ng pisngi sa sobrang lapit niyo mag-usap. Kaya kuya, kung makikipagusap ka sa ibang babae, ilayo mo yung hininga mo sa ilong niya. Please lang, parehas kayo may lungs.. At ikaw naman ate, yung tawa mo na abot kanto, pakibawasan. Kahit mawarak na ngalangala mo, walang pakialam ang mundo sa kilig mo dahil may girlfriend na yang kalandian mo. Aba, eto matindi girl, yung landiin mo ang ex ng kaibigan mo. Di na nahiya, patext text ka sa ex ng friend mo, di naman kayo close!!!

RESPETO.

Eto na pinakamaganda mong maibibigay sa iniirog mo. Respeto hindi lang sa feelings niya, pati na din sa tiwalang binibigay niya sayo. Respeto para sa pagmamahal na meron siya para sayo. Respeto sa oras na ginugugol niya para lang makasama ka..At higit sa lahat, respeto sa sarili mo. Na kahit kailan, di mo gagawing dahilan ang pagkukulang ng girlfriend/boyfriend mo para lang mapagbigyan yang kating nakapulupot sa buo mong katawan. Ang babaw ng “pagkukulang” na dahilan. Ewan ko, sakin lang, napakababaw na dahilan yun. Para mo nalang din sinabi sa karelasyon mo na, masarap ang chocolate mo hon, kaso may almonds yung sa kanya, teka tikman ko muna yung sa kanya. Leche ka! Katimuch

At ikaw na martir, wala.. iyak. Kapag may time ka, untog mo sarili mo para matauhan ka na, YOU DESERVE BETTER. YOU DESERVE A BETTER ONE.

Advertisements

2 thoughts on “KatiMuch

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s